PARUSANG pagkabilanggo ng 15-taon sa isang ginang na Emirati, at tatlong taon naman sa kanyang mister, ang hatol ng United Arab Emirates nang mapatunayang pinahirapan ang kasambahay na Pinay at Ethiopian.
Namatay ang Ethiopian na kasambahay nang pwersahang painumin ng pesticide ng akusado.
Nauna nang nagkaroon ng pneumonia ang Ethiopian dahil sa naimpeksiyong sugat mula sa pambubugbog ng mag-asawa.
Sa record, naitala ng Dubai Court of First Ins-tance, na pinagbawalan ng akusadong ginang na mabigyan ng maayos na medikasyon ang biktima para sa kanyang mga su-gat dahil sa kanyang pagpapahirap.
Hindi pinakakain ng akusado ang kasambahay na Pinay at ikinulong ng isang buwan sa kanilang tirahan sa Al Rashidiya.
Dinagdagan ni Judge Urfan Omar ng isang buwang pagkakakulong ang akusado at pinagmumulta ng Dh2,000 dahil sa pisikal na pananakit sa ikatlo pa niyang kasambahay na hindi napaulat ang bansang pinagmulan.
Samantala ipinataw ng korte na makulong ng tatlong taon ang mister ng akusado dahil sa paki-kipagsabwatan sa asawa. Ang lalaking akusado ang naghahanda ng si-lid at nagsisiguro sa mga bintana na hindi makatatakas ang mga biktima.
Sa kabila ng mga ginawa ng mga akusado, mariin pa rin silang naghain ng ‘not guilty’ sa hukuman.
Ayon sa hukuman, responsable ang mag-asawa sa pagkamatay ng Ethiopian dahil hindi nila ipinagamot ang mga su-gat ng biktima hanggang magkaroon ng pneumonia.
Sa testimonya ng biktimang Pinay, regular silang hinahataw ng patpat ng akusadong babae habang sila ay hubo’t hubad. Iniuumpog din ang kanilang ulo sa dingding hanggang magdugo.
Dagdag ng Pinay, pinagbabantaan sila ng ginang na ipakukulong dahil nagtatrabaho sa hukuman ang mister.
Ayonsa Pinay, pwersahan silang pinaiinom ng sabong panlaba upang lalong gutumin at maghanap ng pagkain sa basu-rahan.
Kapag hindi nagustuhan ang paglilinis ng banyo pinaiinom siya ng bleach na may halong Dettol. (JAJA GARCIA)