Monday , December 23 2024

Bakit ngayon kalang nag-ingay, Sen. Bong?

WALA tayong kabilib bilib at hindi tayo kombinsido sa naging privilege speech ni Senador Bong Revilla nitong Lunes.

Sinabi niyang pawang kasinungalingan ang ibinulgar ng whistleblowers tungkol sa pagkakasangkot niya sa P10-B pork barrel fund scam.

E, ilang beses nagkaroon ng senate hearing sa pork scam na ginisa ng mga kasamahan niyang senador ang whistleblowers lalo na si Benhur Luy pero hindi sumipot si Senador Revilla. Pagkakataon n’ya na sana iyon para komprontahin at tanungin punto por punto ang whistleblowers, pero hindi nya ginawa.

Hindi niya raw kilala ang utak ng pork scam na si Janet Lim-Napoles na ngayo’y nakakulong sa PNP-SWAT headquarters sa Laguna.

Pero consistent ang pahayag ng whistleblowers na maraming beses nagmiting sina Sen. Revilla at Napoles.

At hindi naman ipinaliwanag ni Sen. Revilla sa kanyang privilege speech kung bakit sa mga pekeng foundation ni Napoles niya pinadaloy ang halos P1 bilyon niyang pork barrel. Ito ang dapat niyang inisa-isang inilinaw para malinis ang kanyang pangalan at makontra ang kasong pandarambong (plunder) na nakasampa laban sa kanya sa Ombudsman.

Sabi pa ni Sen. Revilla, personal siyang kinausap  ni P-Noy noong kasagsagan ng impeachment trial laban kay impeached Chief Justice Renato Corona. Kasama raw na kumausap sa kanya sina Budget Sec. Butch Abad at DILG Sec. Mar Rojas. Si Rojas pa aniya ang nag-pick-up at nag-drive sa kanya papunta sa Malakanyang.

Si Sen. Revilla ay bomoto para mapatalsik si Corona sa kaso lamang na hindi pagsasabi ng tapat sa SALN (Statement of Assets and Liabilities). E, halos lahat naman silang  gov’t officials ay hindi tapat sa SALN. Aber?

Bago ma-impeach si Corona sa botong 21-3, si Sec. Abad, sa order ni Senador Frank Drilon, ay napabalitang nag-release ng tig-P50 million hanggang P100 million mula sa kontrobersiyal na DAP (Disbursement Assistance Program) sa mga senador na nagpatalsik sa Chief Justice.

Kung noon pa sana ibinunyag ni Sen. Revilla ang pakikialam ni P-Noy sa pagpatalsik kay Corona, dili sana’y bida pa siya. Baka si P-Noy pa ang na-impeach. E, ngayon palang siya nag-iingay, ngayong nasampahan na siya ng plunder? Lahat ng kanyang mga ibinunyag sa kanyang privilege speech ay wala nang dating sa mamamayan, bagkus ay nag-negative pa sa kanyang pagkatao at pagiging senador. Tsk tsk tsk…

Walang humpay

na pamumutol ng puno

sa Lavezares,

Northern Samar

– Mr. Venancio, report ko po ang kawalan ng aksyon ng pamahalaang lokal sa bayan ng Lavezares, Northern Samar sa patuloy at harap-harapan na walang tigil sa pagputol ng sari-saring punongkahoy sa sitio Sigad sa Brgy. Ocad dito. Natatakot po kami sa aming kahihinatnan sa sandaling maubos na itong maliit na punongkahoy na patuloy na pinagpuputol ng mga taong walang pakialam sa kalikasan. Sana po maaksiyunan ng kahit lokal na pamahalaan ang karaingan naming ito dito sa bayan ng Lavezares. Salamat po. Huwag nyo nalang ilabas ang numero ko baka pag-initan ako ng illegal loggers dito. – Concerned citizen

Paging DENR, pls check this info. Aksyon!

Its time, Mayor Erap…

pagsisipain mo na ang mga abusado mong supporters

– Sinibak raw ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang apat niyang pangunahing supporters at itinalagang ‘vending program’ officers matapos mabuking na walang naipasok na koleksyon sa kaban ng Maynila ang mga ito sa loob ng anim na buwan.

Ito’y sina Konsehal Dennis Alcoriza ng 1st District, dating 5th District Konsehal Che Borromeo, dating Brgy. Chairman Turing Sy at kolektong na si Gerry Escultor.

Nabuking daw ni Erap na nasa P20-M ang dapat na naipasok nila sa Manila Hawkers, pero walang pumasok. Ibinulsa raw ng mga kupal!

Ipinalit sa apat sina City Admin Atty. Simeon Garcia, dating Chief of Staff ni Sen. Jinggoy Estrada; at Supt. Gilbert Cruz ng MPD para makalikom ng pondo.

Good job, Mayor Erap. Tamang pagsisibakin mo na ‘yang mga abusado mong supporters at nagsasamantala sa kapangyarihan. Tapos na ang pagbabayad-utang na loob. Ang laki na ng kanilang mga kinita sa vendors….

Remember Mayor Erap, kaya ka na-impeach at na-convict sa plunder ay dahil sa sobrang pakikisama sa mga kaibigang corrupt at gambling lords. Matuto na po kayo sa masamang naging karanasan n’yo.

Sikapin n’yo na ngayon makapag-iwan ng legacy sa pinasok n’yong lungsod ng Maynila. Pagsisipain mo na ang  “bad boys” sa iyong paligid.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *