Monday , December 23 2024

“PDAF’s Amazing Story” ni Sen. Bong Revilla, Jr.

MISTULANG episode na pagtatanghal ng “Kap’s Amazing Story” sa Senado ang nasaksihan ng publiko sa walang kuwentang privilege speech ni Sen. Bong Revilla kamakalawa.

Ramdam ng publikong nakapanood ang matinding takot at pagkabahala ni Revilla sa napakalaking posibilidad na makulong dahil sa kasong plunder kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

Imbes ipaliwanag kung bakit niya dinala sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles ang daan-daang milyon niyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa loob ng ilang taon, ipinipilit pa rin niya ang alibi o palusot na pineke ang kanyang pirma sa mga dokumento at nanindigan sa paglulubid ng mga kasinungalingan.

Paano magiging peke ang kanyang lagda samantala sa kanyang liham kay Commission on Audit (COA) Assistant Commissioner Arcadio B. Cuenco, Jr., noong Hulyo 8, 2011 ay kinompirma niyang  kanya  at sa kanyang mga awtorisadong kinatawan ang lahat ng lagda o initials na nakalagay sa mga dokumento ng P503.6 milyon niyang PDAF noong 2007 hanggang 2009 na ibinigay sa mga pekeng NGOS ni Napoles?

Ang sulat ni Revilla ay tugon sa kahilingan sa kanya ng COA na i-authenticate o kompirmahin niya ang mga lagda sa mga dokumentong isinumite ng NGOs na nagpatupad ng kanyang PDAF projects.

Sa kanyang naturang liham ay nagpasalamat pa nga si Revilla sa COA dahil sa pagbusisi sa mga proyektong ipinatupad na tinustusan ng kanyang pork barrel.

Sinabi ni Revilla sa kanyang privilege speech, hindi raw niya kailanman naging tauhan si Atty. Richard Cambe, na ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ang kumukubra ng parte o ‘kickback’ ng senador sa pork barrel scam.

Sa sulat naman ng senador noong Agosto 17, 2009 kay National Livelihood Development Corporation (NLDC) Chairperson Gondolina Amata ay tinukoy pa nga niya ang mga proyektong pupuntahan ng kanyang P135-M pork barrel na ipatutupad ng mga NGOs ni Napoles ay pangangsiwaan ng kanyang chief of staff na si Cambe, na puwede rin pumirma sa mga dokumento para sa kanya.

Hindi ba’t “amazing” ang tahasang panggagantso ni Revilla sa publiko para pagtakpan ang panggagahasa sa kaban ng bayan?

“IBONG MANDARAMBONG”

NASUSULAT SA KAPITO-LOKO,

BERSI-LOKO: 1-2-3

NATAWA tayo nang kaladkarin pa ni Revilla ang ilang bersikulo sa Biblia na wala naman kinalaman sa kasong pandarambong niya sa kanyang PDAF.

Kung may nakatagong katotohanan sa likod ng sangkatutak na ebidensiya sa paglulustay ng kanyang pork barrel, ginamit sana niya ang nakasulat sa JOHN 8:32 – “For the truth shall set you free.”

Pero ang tinuran ng actor-senator ay ang  nakasulat sa ISAIAS 41:10 – “Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. “ 41:11 –”Narito, silang lahat na nanggagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.”

Ang mga talatang nabanggit ay hula ng propetang si Isaias na tumutukoy sa paglitaw ng “Ibong Mandaragit” na susuguin ng Diyos sa isang panahon at mababasa sa Isaiah 46:11.

Napagkamalan yata ni Revilla na “IBONG MANGDARAMBONG” o “IBONG MANDURUGAS” ang nakasulat at siya ang tinutukoy sa nabanggit na mga talata.

Maliban na lang kung ang tutukuyin ay si “Nardong Kupit” na sugong magmumula sa impiyerno at ang gagampanang tungkulin ay magnanakaw ng PDAF na mababasa sa “BERSI-LOKO, KAPITO-LOKO: 1-2-3.”

DE LIMA WALANG KREDIBILIDAD;

PURO NGAWA, KULANG SA GAWA

NATUMBOK ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang matagal na nating puna kay Justice Secretary Leila de Lima na idinadaan sa puro dakdak ang mga kontrobersiyal na kaso pero usad pagong naman ang imbestigasyon ng kanyang tanggapan at walang natatapos.

Kaya nga sa isyu ng rice smuggling ni Davidson Bangayan o David Tan ay nabuwisit na si Duterte dahil sa halip na nagbi-build-up na ng matibay na kaso laban sa kanya ang National Bureau of Investigation (NBI) ay hinihimay-himay ni De Lima ang mga detalye sa usapin para gamitin sa publisidad.

May nakikita rin malisya ang kontrobersiyal na alkalde sa paggiit ni De Lima na taga-Davao City si Bangayan samantala kompirmadong mula siya sa Tuguegarao City, Cagayan.

Suhestiyon pa nga niya sa NBI, kunin ang mga testimonya ng ilang mga negosyante na direktang nakakikila kay Bangayan bilang si Tan na hari ng rice smugglers sa bansa.

Posibleng bahagi ng “script” ni Bangayan at kanyang mga “padrino” sa gobyerno na palabasing taga-Davao City siya para mailihis ang imbestigasyon sa tunay niyang pagkatao at makalusot siya sa kaso.

“What has the DOJ done so far to protect the interest of the national government? The government is losing 1.3 trillion pesos in three years because of smuggling at wala kayong ginawa, mahiya naman kayo. Stop talking, and start working. Walk your talk and talk your work, hindi ‘yung puro lang kayo for publicity. Why, you just opened your mouth for publicity,” sabi ni Duterte.

Ano na nga ba ang nagyari sa santambak na kaso ng smuggling na “inaamag” sa DOJ?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *