Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love Book ni DJ Chacha, swak sa lahat ng ‘malikot at maharot’

USAPANG malikot, maharot, at makirot ang handog sa mga pilyo at pilyang mambabasang Pinoy ng kauna-unahang libro ng ‘Primetime Queen’ ng Philippine FM radio na si DJ Chacha ng My Only Radio (MOR) 101.9 For Life!

Pinamagatang, Napakasakit Ate Chacha: Mga Usapang Malikot, Maharot at Makirot, ang best-selling self-help book ni Chacha ay tiniyak na kaaaliwan ng lahat.

“Ito ay para sa mga taong nagmahal, nagmamahal, nasaktan, at gustong magmahal ulit. Pang-girl, boy, bakla, at tomboy s’ya. Lahat ng issues ng bawat tao pagdating sa pag-ibig nasa librong ito kaya tiyak na makare-relate kahit na sino,” ani Chacha na kamakailan ay kinilala bilang Best Radio DJ ng UP Gandingan 2014 Awards at 12th Gawad Tanglaw.

Ibinahagi ni Chacha na dahil sa kanyang libro, na-realize niya kung gaano na napalapit sa puso niya ang pagiging isang Kapamilya radio DJ, na nagkataong kauna-unahang trabaho niya.

“Memorable ‘yung experience habang binubuo namin ‘yung compilation ng love advice para sa book dahil mas pinahalagahan ko ang araw-araw na love calls ng listeners ko at na-discover ko rin na hindi lang pala ako magaling dumaldal, marunong din pala akong sumulat!” pahayag ni Chacha, na binuo ang konsepto ng libro kasama sina MOR 101.9 For Life! head Roxy Liquigan, editor niyang si Grace Libero at ang kaibigan niyang manunulat na sumakabilang-buhay kamakailan na si Butch Guerero.

“Napaka-personal sa akin ng book na ito kasi nag-effort talaga ako para matiyak na masarap ulit-uliting basahin ang lahat ng laman n’ya. Tulad ng aking radio show, puno ang ‘Napakasakit Ate Chacha’ ng mga nakatatawa, pilya, at makatotohanan, pero totoong makatutulong na usapan tungkol sa pag-ibig at relasyon,” ani Chacha.

Ang Napakasakit Ate Chacha: Mga Usapang Malikot, Maharot at Makirot ng ABS-CBN Publishing Inc. ay mabibili na ngayon sa bookstores nationwide sa halagang P175 lamang.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …