Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hinalay, pinatay 6-anyos nene natagpuan sa Plaza Dilao

ISANG batang babae ang hinihinalang biktima ng rape ang natagpuang patay sa bangketa malapit sa Plaza Dilao, Paco Maynila,  kahapon  ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Arlyn Joy Balolong, ng 872 Pandacan, kinompirma sa pulisya ng ina ng biktimang si Elizabeth Balolong, 38, ng nasabing lugar.

Ayon kay Elizabeth, dakong 10:00 ng gabi, nang huli niyang makita ang anak sa tapat ng kanilang bahay.

Sa ulat ni PO2  Michael Maraggun, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:30 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay sa harap ng Old PNR Station, Pres. Quirino Avenue, Plaza Dilao, ng isang barangay tanod, na si Ramon Sus, 34, ng Brgy. 825, Zone 89 habang nag-roronda sa lugar.

Hinihinalang ni-rape muna ang biktima nang matagpuang walang damit pang-itaas, duguan ang ari at nakita sa lugar ang pantalong maong na pag-aari nito.

Ayon sa isang residente, isang ‘di nakilalang lalaking lasing ang nakitang nakataas ang damit, nang dumaan sa lugar at nagtanong kung saan ang daan papuntang Pandacan.

Ayon sa ulat, posibleng suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng biktikma nang matagpuang nakasubsob sa lupa ang mukha ni Arlyn Joy.

Dinala ang bangkay sa Harold Funeral Parlor para sa awtopsiya.

(leonard basilio/Jason Buan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …