Saturday , November 23 2024

US police naalarma sa Sinaloa drug cartel

Nababahala  ang  mga opisyal ng San Francisco Police sa Amerika sa ulat na nakapasok na sa Filipinas ang Mexican Sinaloa drug cartel.

Sa isang panayam sa Camp Crame, sinabi ni retired police Lt. Eric Quema ng San Francisco Police, kilala ang naturang sindikato sa pagi-ging marahas sa bansang Mexico.

Aniya, maraming insidente ng pamumugot at pag-likida ng sindikato upang ipa-rating ang mensaheng da-pat silang katakutan.

Dahil dito, dapat tutukan ng Philippine National Police (PNP) ang Sinaloa drug cartel upang mapigilan ang paglakas ng grupo lalo’t kayang- kayang bumili ng mga lupain at magbayad maging ng mga opisyal ng gobyerno.

Tiniyak ni Quema na handa ang San Francisco Police na magbigay ng mahahalagang impormasyon upang matulungan ang PNP.

Nasa PH ang ilang tauhan ng San Fancisco Police para sa taunang exchange program at para isailalalim sa pagsasanay ang mga tauhan ng PNP.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *