Monday , December 23 2024

Mayor Alfredo Lim masayang nakipagdiwang at ginunita ang pista ng Sto. Niño

00 Bulabugin JSY

SA LAHAT yata ng PISTA ng Sto. Niño ay kahapon masayang-masaya si Manila’s most loved mayor, Hon. Alfredo Lim.

Sumama si Mayor Lim sa prusisyon ng Mahal na Sto. Niño bilang isang pribadong mamamayan.

Pero nang maglapitan ang mga tao sa kanya at mayroon pang mga batang nagmano, naramdaman ni Mayor na mahal na mahal pa rin siya ng kanyang mga kapwa taga-Tondo.

Kasama niya sa prusisyon si Manila 1st District Congressman Benjamin “Atong” Asilo at Konsehal Niño dela Cruz.

Sa ganoong sitwasyon nga naman ay wala nang pressure at doon napatunayan ang tunay na damdamin ng tao sa kanya.

Hindi siya ang nakaupong Mayor, kaya walang dahilan para makipagplastikan sa kanya ang mga tao. Ibig sabihin, ‘yung paglapit at pagmamano sa kanya ng mga kababayan ay totoo.

And that spell contentment…

Sorry na lang sa hindi nakararamdam nito at hanggang ngayon ay nasa balag pa rin ng alanganin…

Sa mga taga-TONDO po at sa iba pang lugar/lalawigan na nagdiwang ng Kapistahan mabuhay po kayo!

VIVA Pit Señor Sto. Niño!

PNP-QCPD CHECKPOINT SA QUEZON CITY NAKAKATAWA?!

KUNG hindi pa naholdap at na-carnap ang isang grupo ng mga yuppie sa Kamuning (ilang metro lang mula sa QCPD Police Station 10), hindi pa siguro maglalagay ng massive checkpoint ang Quezon City Police District (QCPD).

Hindi ba’t minsan nang nabansagan na carnap capital ang Quezon City?

Kumbaga, gumaan lang nang konti ay lumuwag na agad ang seguridad.

Okey ‘yan na nagiging mahigpit ang pulisya sa mga naka-motor. Kasi nga bukod sa madalas na aksidente ay ‘yan pa ang ginagamit na behikulo ng masasamang-loob.

Pero natawa naman ako sa panukala doon sa mga nagmo-motorsiklo na pinagsusuot ng vest at doon nakasulat ang malaking numero ng motor. Mas madali raw kasing sitahin kapag hindi nakasuot ng nasabing vest.

Okey, okey, for identification purposes ‘e pwede nga. Pero hindi naman ‘yan deterrent sa paggawa ng kriminalidad.

Baka nga marami pa ang mapahamak kasi ang gagawin lang ng masasamang-loob ay magsuot o magpagawa rin ng vest na may numero pero anytime ay pwede na nilang idispatsa gaya rin ng motor na ginagamit nila.

The best way para sugpuin ang kriminalidad ay paganahin ang POLICE VISIBILITY at intelligence group kung saan nagpupugad ang mga kriminal.

‘Wag paganahin ang intelligence group para lang sa intelihensiya QCPD DD Gen. Richard Albano.

Ay sus naman!

ANG HIWAGA NG BULTO AT KILO-KILONG SHABU NA NAGING SACHET-SACHET NA LANG?
(ATTENTION: ANTI-ILLEGAL DRUGS COMMITTEE NG KONGRESO at SENADO)

SPEAKING of intelligence, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang Quezon City Police District (QCPD) at SOCO kung ano na ang nangyari sa SHABU na nakuha sa kwarto ng isang motel, kung saan natagpuan ang magsyotang sina Aisa Cortez at Ryan Guibon na wala nang buhay at may tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

ANO na ba talaga ang nangyari d’yan Gen. Richard Albano?

Nasaan na ‘yung SHABU na nasa loob ng green aluminium foil pouch na mayroong Chinese powder tea label?

Mukhang ‘yung green aluminium foil pouch na ‘yun ay tig-iisang kilo ang laman at ayon sa ating impormante ay aabutin ng 12 pouch iyon pero sa press release ng QCPD ay sachet na lang!?

Sonabagan!!!

Mantakin ninyo ang 12 kilo ng shabu? Kung nawawala ‘yan, saan mapupunta? Babalik sa kalye na ang nagtutulak ay tiwaling lespu?

Gen. ALBANO Sir, ipabusisi mong mabuti ang ‘nawawalang’ shabu at baka isang umaga paggising mo ay ‘sumabog’ na ‘yan sa mukha mo.

Again, ‘intelligence’ lang po ang katapat n’yan General Albano!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *