Monday , December 23 2024

Sana maraming Mayor Duterte sa bansa natin

00 Bulabugin JSY

SA PINAKAHULING pagpapakita ng ehemplo ay hinangaan natin si Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City.

Mismong sariling anak na nahuli sa kasong ‘SPEEDING’ ay hindi nakaligtas sa mahigpit na pagpapatupad ng batas ng Alkalde.

Sana ay ganyan ka-CONSISTENT sa pagpapatupad ng batas ang mga halal na pinuno ng bawat local government units (LGUs).

Hindi hamak na mas maganda ang ipinakitang ehemplo ni Mayor Duterte bilang LGU chief kaysa doon sa isang mayor sa Metro Manila na nang hindi  makapasok at makadaan sa isang subdivision ay biglang napunta sa presinto ang mga gwardiya.

Marami nang paglilinaw ang ginawa ng kampo ni Metro Manila mayor pero maraming butas ang paliwanag. Bukod pa sa nai-upload sa social networking site ang insidente.

Alam natin maraming batikos din ang natatanggap ng mga Duterte dahil marahil ay maraming natatamaan sa mahigpit nilang pagpapatupad ng batas.

Pero ang gusto natin bigyang-diin dito, kapag sila mismo ang nagkakamali ay hindi sila exempted sa pagpapatupad ng batas.

Gaya nga nang magkaroon ng traffic violation ang kanyang anak na si Sarah Duterte.

Sino kayang may ‘BAYAG’ na LGU official sa Metro Manila ang kayang pamarisan ang ginawa ni Duterte?

Wish lang natin n asana ay dumami pa ang mga gaya ni Duterte sa LGU.

Mabuhay ka Mayor!

CONGRATULATIONS OSANG FOSTANES!

TALAGANG kung  pagkanta at pagiging entertainer ang pag-uusapan ay hindi maikakailang namamayagpag d’yan ang lahing Pinoy.

Itinatak na ng mga dekalidad na artist/singer/musician ang MAPA ng Philippines my Philippines sa buong mundo dahil sa napakahusay nilang TALENTO.

Ang pinakahuli, ang tumapos sa SUMPA ng kantang “MY WAY” ni Frank Sinatra na si Rose “Osang” Fostanes.

Hindi lamang mga kapwa Pinoy ang sumuporta kay Osang sa kauna-unahang X-Factor Israel kundi maging ang mga residente sa nasabing bansa na naniwala at humanga sa talento at kakayahan ni Osang, isang caregiver na ilang taon na rin nagtatrabaho roon.

Hindi naging sagwil, kahit na malayo sa katawan ni Rosanna Rocess ang pigura ni Osang Fostanes.

Alanganin man sa umpisa, sa huli ay napagtagumpayan din ni Osang na IBANDILA ang lahing Pinoy sa bansang pinananahanan ng mga Hudyo.

Palagay natin ay panahon na upang pagyabungin ng gobyernong Pinoy ang pagsuporta sa mga kababayan natin na punong-puno ng talento lalo na sa pag-awit.

Sa pinakahuling balita kay Osang, gagawa sila ng single na pagsasamahan nila ni Susan Boyle.

Mabuhay ka Osang, nawa’y huwag kang mabigo sa iyong layunin na laging bigyan ng karangalan ang ating bansa gamit ang iyong talent …

APIR!

DON MARIANO NATANGGALAN NG PRANGKISA ‘E ANG SULPICIO LINES?

HETO na naman ang isang nakasusukang pagdo-DOUBLE STANDARD ng ahensiya ng pamahalaan – ang Department of Transportation ang Communication (DoTC).

Hindi ba’t natanggalan na ng prangkisa ang biyaheng EDSA ng Don Mariano Transit?

Aba ‘e bakit d’yan napakabilis?!

‘E how about Sulpicio Lines? Kailangan tatanggalan ng prangkisa?!

Sa Sulpicio lines na kapag nagkaroon ng aksidente ay tiyak na marami ang namamatay na pasahero.

Bakit ‘yang Sulpicio hindi naipasara?

Aba mukhang, may tinitingnan at tinititigan ang DoTC?!

PAGING Secretary Joseph Emilio Abaya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *