Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Crowd Bar, pampamilyang gimikan

KUNG hanap ng inyong pamilya ang gimikan, tamang-tama ang Crowd Bar and Restaurant  sa Mandaluyong City na nagtatampok sa mga topnotch popular singers at bands.

Actually, noong July 26, 2013 pa ito binuksan ng mga may-ari na sina Cora Rodrigo ng GoldMine Production kasama sina Pia Espedio, Zaldy Carpeso, Cris Roxas at Gene Sison (kasama ang maybahay niyang si Ms. Joy Sison ng Joy For All Seasons fashion collections na namigay ng bracelet and necklace). Naging maganda naman ang opening dahil simula noo’y marami nang parokyano ang nagtutungo roon.

Bakit naman hindi, eh pawang magagaling na performer ang mapapanood doon tulad ng Side A, Freestyle, Juris, Faith Cuneta, Jeremiah, Spirit of 67, Class of 6, at Fat Session. At noong January 15, nagkaroon ng pagtatanghal ang Side A main man na si Joey Generoso at noong Janyuary 16 ay si Robin Nievera naman (anak nina Pops Fernandez at Martin Nievera).

Regular na performer naman sa Crowd Bar sina Laarni Lozada at Richard Villanueva tuwing Friday at ang Jeremiah tuwing Huwebes. Balita nami’y paboritong tambayan ito nina Vice Ganda, Pops Fernandez, Teresa Loyzaga, at Vivian Velez.

Ang maganda pa sa Crowd Bar, bukod sa may private function room (videoke room) na pampamilya talaga o para sa mga magkakaibigan, no smoking din ang naturang lugar. Kaya tamang-tama ito sa mga hindi naninigarilyo. Kaya go na kayo sa Crowd Bar. Para sa ibang katanungan puwedeng tumawag sa 9858414 at mag-email sa [email protected].

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …