Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ganda at kalusugan, ‘di dapat pabayaan

TUTOK lang sa GMA News TV program, ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT), 9:00 a.m. ngayong Sabado at makibalita tungkol sa wastong pangangalaga ng byuti at kalusugan.

Bibisita ang katatapos lang koronahang Pinay na si Angeli Dionne Gomez bilang Miss Tourism International sa paligsahang ginanap sa Kuala, Lumpur. Ilalahad niya ang paghahandang ginawa para mas maging maganda at seksi sa pagharap sa mga hurado at umangat sa iba-ibang mutya mula sa mga kalahok na bansa.

Ikukuwento rin ni Angeli ang mga hirap na pinagdaanan sa contest na muntik nang maging dahilan para siya mag-quit, “Gusto ko na talagang mag-give up at umuwi ng Pilipinas. Kaya lang, naisip ko ang aking pamilya, mga kaibigan, kamag-anak at kababayang nagdarasal na manalo ako. At ‘yun ang nagpalakas ng loob ko to continue sa pageant,” sabi ni Angeli na nagsabing halos himatayin siya nang marinig na siya ang nagwagi.

Abangan ang paglalahad niya ng beauty regimen at beauty secret.  Magbibigay din siya ng payo sa mga Pinay na nangangarap maging isang beauty queen tulad niya.

Itatampok din ni Mader Ricky Reyes ang bagong food supplement na nakakapagpagaling ng cancer at iba pang uri ng tumor. Ito’y ang Organique Acaiberry na may aromang tsokolate na isang anti-oxidant mula sa Anthocyannins.

Tuloy pa rin ang pag-eere ng mga reality challenge ng mga babae’t lalaking finalist sa paligsahang Mr. and Ms. Sogo Ambassadors. Sino sa kanila ang susuko at sino ang magpapatuloy? Malalaman ito sa GRR TNT.

May good news na hatid ang dating Press Secretary na si Jess Direza tungkol sa Fresh Cell Theraphy sa Germany. Isasalaysay ng dating cabinet member ang resulta ng FCT sa kanyang kalusugan.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …