Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 sugatan sa amok sa Bulacan

LIMA katao ang sugatan, kabilang ang isang kritikal ang kondisyon, makaraan mag-amok ang isang lalaki sa San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa.

Ang suspek na si Danilo Vellas ay pinagbabaril ang bawat makasalubong matapos makipag-away sa kanyang live-in partner na si Elaine Marian Conocido, ng San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Conocido, binaril ni Vellas sa braso at hita, nag-away sila ng suspek nang akusahan siyang may relasyon sa ibang lalaki.

Idiniin ni Conocido na si Vellas ay drug addict at madalas siyang bugbugin.

Kritikal ang kalagayan ng kapitbahay ng mag-asawa, na kinilalang si William Sagib matapos barilin ni Vellas.

Dalawa pang biktimang kinilalang sina Ronnel Gipanao at Ayrold Medina ang sugatan din makaraan barilin ng suspek habang tumatakas mula sa aarestong mga pulis.

Kalaunan ay naaresto rin si Vellas, sugatan din, sa pinagtataguan sa Caloocan City.

Si Vellas ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition, frustrated homicide, at reckless imprudence resulting in physical injury.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …