Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, trabaho muna bago lalaki

LOOKING happy and contented si Iza Calzado nang humarap siya sa press para sa story conference ng unang salvo ng Dreamscape for 2014, ang Sana Bukas Ang kahapon na bida si Bea Alonzo.

Inamin nitong masaya siya sa kanyang lovelife dahil mabait ang kanyang non-showbiz BF at masaya rin siya sa lahat ng aspeto ng buhay. ”So, lucky ako in a lot aspects of my life but it’s not perfect, my parents are not here. I wish my dad is still around and it’s something that you have to deal with and I’m just very happy and thankful I have always projects.”

Inamin nitong exciting ang kanyang lovelife pero nang tanungin kung kailan magaganap ang kasalan, ”Hindi exciting ang sagot, malayo pa, hindi pa ngayon, hindi pa engage, wala pa akong time. Enjoy muna, travel-travel ‘pag may time,” tsika nito.

Sobrang naging busy si Iza nitong nakaraang taon kaya ang daming nagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya dahil hindi ito naging visible sa mga TV show.  Kasama siya sa pelikula ninaPiolo Pascual at Toni Gonzaga at may February playdate na ito. Tinutukan din nito ang reality show na Biggest Loser sa loob ng pitong taon at sa taong ito mae-ere. Napatawa pa ito sa pagsasabi na tiyak pagsasawaan siya ngayong taon lalo pa’t kasama siya sa Sana Bukas Ang Kapahon dahil gabi-gabi siyang mapapanood sa TV.    Sa unang salvo ng Dreamscape for 2014 ay bida-kontrbida ang magiging role ni Iza at dito ay makatutunggali si Bea. Nanay niya rito si Ms Dina Bonnevie at aniya, ”Siguro mas lalabas ang palaban na side ko rito. Yes, 2014 will be new year, a new role.”

Paolo, matagal nang gustong makatrabaho si Bea

KASAMA sa cast si Paolo Avelino at masuwerte siya dahil kasama pa rin siya sa ongoing na teleserye, ang Honesto. Nilinaw nito na walang magiging isyu kung magkasabay-sabay ang kanyang projects dahil kung ano man ang kanyang estado ngayon ay pinagtrabahuhan niya.

Kung sabagay, magagawan naman ito ng paraan para hindi mag-overlap ang taping schedule lalo pa’t gaganapin pa ang story conference para pag-usapan ang lahat ng detalye ng production at isa na rito ay kung kailan magsisimula ang taping ng bagong teleserye.

Gaganap si Paolo na empleado ni Bea and eventually, mahuhulog ang kanyang loob sa isa sa mga karakter. Inamin nitong hindi pa niya naka-eksena si Bea but he’s looking forward to be working with her. ”I can say I’m also a fan and I’ve been wanting to work with her for the longest time.”

Maliban kina Bea, Iza, at Paolo, kasama rin sa powerful cast ng Sana Bukas Ang Kahapon sinaAlbert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Ms Anita Linda, at Ms Susan Roces. Sa puntong ito, gusto naming batiin ang Dreamscape dahil isa na namang sure winner ang kanilang ihahandog sa manonood gabi-gabi na tiyak magdudulot ng iba-ibang aral sa buhay.

Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …