Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, kinukuwestiyon ang pagsusuot ng Rolex

HINDI ko masyadong na-gets  ang kuwento ng isang katoto tungkol sa number one endorser ng iba’t ibang produkto, ang poging leading man ng ABS-CBN’s Be Careful with My Heart na siRichard Yap o Ser Cheap. Magiging ama na raw ito for the second time dahil nagdadalang tao na si Maya (Jodi Sta. Maria), na dating yaya ng mga anak niya.

May kuwento kay Richard na sabi nga namin, na siya yata ang may pinakamaraming endorsement like sabong panlaba,  noodles, sardinas, panimpla ng ulam, lotion at kung ano-ano pa. Sa totoo lang, ang pagiging endorser ng isang restaurant na kilala sa masarap na pansit ang nagbukas ng pinto para makapasok siya sa TV.

Si Richard na kilalang-kilala sa pagiging Ser Chief dahil sa daily show niyang Be Careful With My Heart ay iniintriga rin tungkol sa uri  ng isang mamahaling watch, ang Rolex. Tila ito ang relong gamit ni Richard. Pero parang may pumansin, parang sinasabing walang “K” ang TV actor sa ganoong timepiece.

Eh, bakit ako? Ilang years na ang suot kong relo na Rolex last year ko lang ibinalik sa ate ko in Canada na iniwan sa akin. Maganda talaga ang nasabing relo, kaya lang kinuha na ng may-ari. Eh, si Ser Chief pa. Kahit hindi nag-showbiz can afford to buy ng expensive things, rich kaya siya, noh!!!!

Sharon, handa nang pasukin ang politika

MAGANDA ang show sa TV5 ng Megastar Sharon Cuneta, ang Madam Chairman dahil bagay na bagay sa kanya.

Naisip ko tuloy, napakagandang paghahanda ang ginawa ng Megastar sa mga taga-Pasay City. Decided na kaya siya sa susunod na election for Mayor of Pasay City na matagal ding pinamunuan ng kanyang ama, ang yumaong Tatay Pablo “Ambo” Cuneta?

Dapat bumalik at muling mamuno ang isang Cuneta sa Pasay City. Ito ang panahon ng ating Megastar, Sharon Cuneta.

Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …