Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay iniluwa ng basura sa Manila Bay

ISANG bangkay ng hindi nakilalang lalaki na hinihinalang biktima ng holdap, ang nakitang palutang-lutang kasama ng mga basura sa Manila Bay, kamakalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 6:30 ng umaga, isang grupo ng kabataan ang nakakita sa palutang-lutang na bangkay sa tapat ng Purok 3, Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Sa ulat, isang Alfredo Mayeko, 44, walang asawa, walang trabaho, residente sa lugar, ang nagreport sa Delpan PCP ukol sa insidente matapos sabihan ng mga batang nakakita sa bangkay.

Ayon kay SPO1 Rommel M. del Rosario ng Manila Police District Homicide Section, inilarawan ang biktima nasa edad 25-35, katamtaman ang pangangatawan, 5’4″ hanggang 5’5″ ang taas, nakasuot ng puting sando at  berdeng jogging pants, may saksak sa kaliwang dibdib.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Nathan Funeral Morgue para sa awtopsiya at safekeeping.

Iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente para alamin ang motibo sa pagpaslang at pagkakakilanlan sa suspek.           (JASON BUAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …