Monday , December 23 2024

Video Karera sa Metro Manila

MINSAN ay naitatanong ko sa aking sarili kung sapat ang malasakit ng mga opisyal ng ating gobyerno para agad nilang maaksiyonan ang mga problemang inilalantad ng media. Manhid na nga ba ang mga public official natin ngayon?

Sa Quezon City halimbawa, kung idedetalye ko sa pahinang ito ang mga pangalan ng mga video karera (VK o karera ng kabayo sa video) operators na sina Rey Recto, Jojo Cedeno, Lando at Dakne, may mangyayari ba?

Nariyan pa rin sila. Nariyan pa rin ang ating alkalde na si Mayor Herbert Bautista at si Chief Superintendent Richard Albano pa rin ang ating chief of police. Uutusan ba ng mayor ang police chief na ipatigil ang mga operasyon ni Rey Recto na saklaw ng Quezon City Police District Stations 1, 2, 7, 9 at 11?

Paano naman sina Jojo Cedeno, Lando at Dakne na may kani-kanyang gambling machine operations sa mga lugar na sakop ng QCPD Stations 3, 4, 5 at 6?

Si Buboy Go pa rin ang video karera king ng Malabon—namamayagpag simula pa noong si Mayor Antolin “Lenlen” Oreta ay acting mayor, at hanggang ngayon, na nasa kalagitnaan na ng kanyang unang termino bilang halal na mayor ng lungsod. Malakas talaga! Kahit tanungin mo pa si “Pol,” na tao ni Buboy. Maaari kayang ipag-utos ng mayor at ni Northern Police District chief, Chief Supt. Edgar Layon kay Malabon Police chief, Senior Supt. Severino Abad, na tuldukan na ang nasabing ilegal na pasugal sa lungsod?

Sa Maynila, noon ay ang mga hinihinalang VK operator na sina Gina at Romy Gutierrez laban kay Manila Mayor Alfredo Lim. Pero ngayon na ang karibal na ni Lim na si dating Pangulong Joseph Estrada ang alkalde, patuloy na namamayagpag ang dalawa sa pagsaid sa barya ng mga tumatangkilik sa pasugal.

Hindi na kailangan pang paalalahanan ng kolum na ito ang mayor at si Chief Superintendent Isagani Genabe, Jr., Manila Police District director, na nadadala ang mga tumataya—bata man o matanda—ng labis na excitement sa karera at hindi na nila napapansin na sinasaid na ng makina ang pinaghirapan nilang kitain na pagpipiyestahan naman ng mga ilegal na nagnenegosyo sa siyudad.

Nagsulputang parang kabute ang mga video karera machine sa Maynila, Malabon at Quezon City.

Kung hirap ang mga lokal na opisyal at ang kani-kanilang police chief sa pagpapatigil sa mga makinang ito, posible sigurong makatulong ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng pulisya upang tuluyan na itong matuldukan.

Nananawagan po kami kay Chief Supt. Benjamin Magalong, CIDG director.

***

Kasabay nito, baka puwede rin imbestigahan ni General Magalong ang isang pulis-Taguig na kilala bilang “Nonong C” na nangangasiwa sa isang horse-race bookie joint at maging “loteng” (kombinasyon ng lotto at jueteng), at jueteng.

Sigurado ang mga espiya ko na ang Nonong C na ito ang kilalang protektor ng video karera operations sa lungsod.

***

Malakas din ang usap-usapan na isang Chief Inspector “Jay A.” ang nagsimula nang mag-ikot-ikot sa mga ilegal na pasugalan, bahay-aliwan at iba pang katulad nito, sa pamamagitan ng bagman niya at kapwa pulis na si “Jojo C” upang mangolekta ng protection money para sa National Capital Regional Police Office sa Bicutan, Taguig.

No-take policy ba ‘yun? Talaga lang, huh?!

Kung walang katotohanan ito, dapat na sigurong alisan ng maskara ni Director Carmelo Valmoria, NCRPO chief, si Major Jojo A. na ang kasabwat ay isang Jojo C. at sipain sila mula sa serbisyo.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *