Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6-anyos totoy, lolo patay sa abandonadong condo

Natagpuang patay ang isang 6-anyos totoy  at isang lolong palaboy, sa lobby ng isang abandonadong condominium , iniulat kahapon.

Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo, ang biktimang si Alfredo Aguilar, 6, na sinasabing madalas nakikitulog sa lobby ng Skylark Condominium, nasa Paterno Street,  Quiapo, Maynila.

Nakasuot ng kulay ubeng Nazareno t-shirt ang biktima nang matagpuang wala nang buhay, dakong 4:00 ng mada-ling araw kamakalawa.

Wala namang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa pagkamatay ng paslit.

Samantala, natagpuan ng isang vendor ang isang palaboy na lolo nang bibigyan niya sana ng pagkain pero wala na itong buhay na nakahiga sa folding bed sa lobby ng nasabing condominium.

Inakalang natutulog lang ni  Diosdado Rodriguez, 24, ang biktimang tinatayang 60-65-anyos, nang kanyang makita dakong  11:45 ng gabi.

Kaagad  ipinagbigay alam ni Rodriguez kay Romeo Bulalaque, security guard, ang na-kita, na siyang tumawag sa sa MPD-HS,  para maimbestigahan ang pagkamatay ng biktima.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Universal Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …