Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valeen Montenegro, binastos sa PBA

MARAMING mga manonood ng PBA Philippine Cup sa TV5 ang nagalit sa ipinakitang pambabastos sa sexy actress ng Kapatid Network na si Valeen Montenegro noong Linggo ng hapon.

Guest si Valeen sa Sports5 Center sa loob ng Mall of Asia Arena na ginawa ang laro ng Ginebra at San Mig Coffee at kasama niya sa halftime ang dalawang hosts at DJ na sina Sam YG at Ramon Bautista.

Naka-seksing shorts si Valeen kaya pinatayo ng dalawang host ang aktres at kitang-kita sa TV ang bakat sa shorts ni Valeen.

Pagkatapos ay hinulog ni Sam ang pen para kunwari yumuko sa harap si Valeen. Tumuwad naman si Valeen at kahit napatawa ang mga host ay hindi ito nagustuhan ng mga manonood ng basketball na nakausap namin.

Si Valeen ay mainstay ngayon ng gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli kasama sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen habang kilala sina Sam at Ramon sa programang Boys Night Out ng isang FM station at ilang beses silang sinuspinde sa radyo dahil sa pambabastos.

Sana ay umaksiyon ang TV5 sa ginawang pambabastos kay Valeen na isa sa mga pambatong sexy stars ng Kapatid Network kasama si Ritz Azul na naunang naging guest sa Sports5 Center noong Disyembre 29.

Nakatakda ring maging guest sa mga susunod na laro ng PBA ang iba pang mga young star ng TV5 tulad nina Eula Caballero at Jasmine Curtis-Smith.

Dapat tandaan ng TV5 na pati mga bata ay nanonood ng PBA upang idolohin ang mga manlalaro ng basketball pero kung may halong pambabastos ito,  hindi na ito magandang panoorin.
James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …