Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

RMW towing maraming dapat ipaliwanag sa BIR

00 Bulabugin JSY
WALANG habas ang pamamayagpag ngayon ng RMW Towing sa lungsod ng Maynila.

Ang RMW ay ‘resureksiyon’ ng mga abusadong towing company noong panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza.

Naglaho ‘yang mga abusadong TOWING COMPANIES na ‘yan noong panahon ni Mayor ALFREDO LIM.

Ban ang lahat ng towing company sa Maynila.

Alam n’yo naman si Mayor Fred Lim, mabilis umaksiyon  lalo na kung nakikita niyang abusado talaga at mayroong basehan ang mga reklamo.

Kaya nga nang maupo si Erap ay biglang nagpiesta ang mga TOWING COMPANIES, isa na nga riyan ang RMW Towing na hataw ang operasyon sa Maynila.

Hindi natin alam kung saan naghihiram ng TAPANG at KAPAL ng MUKHA ang RMW. Sa lakas nilang humataw ‘e hindi kukulangin sa P200,000 ang kinikita nila kada araw.

‘E di kulang ISANG MILYONG PISO din ‘yan bawat linggo.

‘E kumusta naman ang kanilang RESIBO?!

PASO raw ang resibong ginagamit ng RMW?

Paging Bureau of Internal Revenue (BIR) bossing, Madam KIM HENARES, pakibusisi lang ‘yang RMW Towing na namemerhuwisyo na ng mga MOTORISTA ‘e mukhang nagogoyo pa ang BIR.

Ang lakas maningil sa mga pineperhuwisyo nilang mga motorista pero mukhang nandaraya sa gobyerno.

Pakibusisi na rin po kung kanino nanghihiram ng TAPANG at KAPAL ng MUKHA ‘yang RMW Towing!

PR GIRL NG RESORTS WORST ‘este’ WORLD, MAGALING MAMBOLA?

SPEAKING of bolahan …ganyan daw pala ang katangian nitong si Miss Charice, a Chinese looking girl, who claimed to be the PR girl of Resorts World Hotel.

This girl promised to send somebody to the group of airport media men after one of the member called her up and informed of the scheduled fun activities after Christmas.

Pero nang nag-follow-up na sila mismo kay Ms. Charice, sinabi na out-of-town daw siya during the Holiday Season.

But, when she was informed of the reset schedule of the raffle at puwede pang ipaabot o ipadala ang ano mang gusto niyang iparating … the girl did not respond anymore.

He-he-he! OPM ka rin noh?!

Anyway …past is past. Past is just a goodbye ‘ika nga ng Crosby, Stills, Nash & Young.

Kundi napag-uusapan lang as part of a year-ender bad experience ng airport media sa RW PR ‘OPM’ girl.

MS. UNIVERSAL CLUB NAMAMAYAGPAG PA RIN
(Paging anti-human trafficking Czar VP Jojo Binay)

MUKHANG walang pangil ang pagiging anti-human trafficking czar ni Vice President Jejomar Binay.

Hindi pa natin nalilimutan nang ipasara niya ang Ms. Universal Club dahil sa talamak na human trafficking ng mga kababaihan, mayroon pang minor, na ginagamit sa prostitusyon.

Ilang beses na natin pinuna ang operasyon nito na lantaran at walang pakundangan.

‘Yan pong Ms. Universal Club ay ilang metro lang ang layo sa Pasay City hall pero parang PATAY NA LUKAN ang mga opisyal at awtoridad.

Parang hindi nila nakikita ang operasyon ng Ms. Universal Club.

Ano ‘yan SEE no evil, HEAR no evil, SPEAK no evil?!

Tsk tsk tsk …

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …