Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, final choice para gumanap na Dyesebel (Matapos magpa-hair extension ni Kim…)

ILANG oras bago i-announce ng Dreamscape Entertainment kung sino na ang napiling gaganap na Dyesebel sa ABS-CBN ay may nag-text sa amin at sinabing si Erich Gonzales na ang final choice.

Pero, hindi pa pala iyon final. Dahil napag-alaman naming ang gaganap na Dyesebel ay walang iba kundi si Anne Curtis.

Very honored nga si Anne na mapili para gumanap na Dyesebel. Aniya, dream come true ito dahil matagal na nyang pangarap na gampanan ang Dyesebel.

Dati’y sinabing si Kim Chiu at lumutang din ang mga pangalan nina Julia Montes at Jessy Mendiola.

Kuwento sa amin sa aming kausap ay, “alam mo ba, dahil akala ni Kim ay siya na talaga si Dyesebel, hayun nagpa-hair extension na bilang paghahanda. Eh, biglang hindi pala siya (Kim) ang gaganap.

“Araw-araw kasi ay nag-iiba ang isipan ng management, hindi puwedeng si Jessy dahil may ‘Maria Mercedes’ na at kailangan niyang magpahinga muna bago sumabak ulit sa isang serye.”

Eh, si Julia?

“Parang malabo kasi halos katatapos lang ng ‘Muling Buksan Ang Puso’ nila nina Enchong Dee at Enrique Gil,” say sa amin.

Eh, katatapos lang din ng Juan de la Cruz na kasama si Erich ‘di ba, balik-tanong namin sa aming kausap.

“Eh, kasi rater si Erich, maraming may gusto sa kanya,” sabi sa amin.

Napag-alaman pa naming kasama sa Dyesebel ang aktor na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

So, natapos na ang haka-haka kung sino talaga ang gaganap na Dyesebel dahil si Anne na nga ang napili ng Dreamscape.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …