Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang Matigas Sa Napaagang Bulaslas

00 try me francine p
Hi Ms. Francine,

I read your tweet na kapag may problema kami about love, sex and relationship, just send it to your email. I hope you can help me. I have a wife and we already have kids. Masaya kami ng asawa ko kaso pagdating sa sex, palagi na lang akong nauuna kaya tuloy siya, palaging nabibitin at nagtatampo. Noon hindi naman ganito. Any advice po. Thank you.

                                                                          Eric

Dear Eric,

Salamat sa pag-share ng iyong problema. 30%-40% ng mga kalalakihan ayon sa www.familydoctor.org ang may problema sa “Premature Ejaculation” o ‘Napaagang Bulaslas’ sa salitang Filipino. Nakabibigo at nakahihiya sa ka-partner mo tuwing ito ay mangyayari. Nakasisira sa intimacy at minsan ultimo sa inyong relasyon. Pero wala naman kasing tamang haba ng oras para sa inyong pagtatalik, wala rin sa posisyon o panahon kundi lahat ay nasa pagkontrol mo sa iyong sa-rili.

Unang-una, may mga factor kasi kung bakit nangyayari eto. Minsan sobrang excited si ‘Junjun’ o kaya naman sobrang sensitive lang talaga. Minsan dahil sa stress, o masyado mong iniisip ang iyong performance.

Sa tulong ni Misis, kelangan muna ninyong magpraktis. Para maayos mo ang pagkontrol kung ikaw ay lala-basan, merong tinatawag na “Squeeze Method” na kapag ikaw ay malapit nang labasan kelangang pisilin ang leeg o ulo ni Junjun ng mga 30 segundo para mawala ‘yung nararamdaman mong lalabasan. Pwede rin na pag ikaw ay nasasarapan sa inyong posisyon habang nagtatalik ay tumigil ka muna sandali para mapigilan mong labasan ka at ibahin muna ninyo ang posisyon. O kaya habang nagtatalik kayo ay huwag kang mag-isip ng mga bagay na sexual kundi isipin mo ang iyong paboritong basketball team para hindi ka agad labasan, at kapag sobrang sensitive naman si ‘Junjun’ ang pagsusuot ng condom ay makatutulong.

At siyempre ang importante sa paki-kipagtalik ay ang komunikasyon, pwede mo naman tanungin si Misis kung anong gusto niyang gawin mo sa kanya, at siyempre importante ang foreplay para naman makabawi ka sa lahat ng pambibitin mo sa kanya, at siyempre kelangan magsabi kayo sa isa’t isa kung kelan kayo handang labasan para sabay ka-yong matapos at masiya-han.

Sana ay makatulong sa ‘yo itong payo ko at sana ay tuluyan mo nang makontrol ang sarili mo para laging happy kayo ni Misis.

Good Luck Eric.

 

                Love,

                Francine

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pa-milya, Sex at Relasyon nandito ako handang magbasa ng inyong pinagdaraanan at sasagutin ko base sa aking sariling opinyon at paniniwala. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …