TAPOS na ang awards, sinabing top grosser ang pelikula ni Vic Sotto. Pero hindi mo masasabing tama na iyon, dahil tatlong araw pa lang ang festival, may pitong araw pang natitira. Riyan sa huling pitong araw na iyan, may kuwentuhan na kung ano ang kalidad ng mga pelikula.
Napapag-usapan na ng mga unang nakapanood kung saan sila nag-enjoy at kung ano ang depekto ng mga napanood nilang pelikula.
Isa pa, ang basehan niyan ay iyong Metro Manila earnings lang naman, dahil iyon lang naman talaga ang dapat nilang bigyan ng consideration dahil Metro Manila Film Festival nga sila. Pero ang mga pelikulang iyan ay palabas din simultaneously sa mga probinsiya. May isa kaming source na nagsabi sa amin, iba ang trend sa labas ng Metro Manila. Iba ang nangunguna.
Ed de Leon