Monday , December 23 2024

Mga disqualified: ‘Bakit kami lang?’

DESMAYADO raw ang kampo ng mga diskuwalipikadong kandidato dahil sa “special treatment” ng Commission on Elections (Comelec) at Supreme Court (SC) sa disqualification case laban kay ousted president at  convicted plunderer Joseph Estrada.

Diniskuwalipika ng Comelec si convicted child rapist Romeo Jalosos bilang mayoralty bet ng Zamboanga City noong 2013 elections at pinal na kinatigan ito ng Korte Suprema dahil itinatadhana sa Article 30 ng Revised Penal Code (RPC) ang “penalties of perpetual or temporary absolute disqualification deprives a person of the right to vote in any election for any popular office or to be elected in office.”

Sabi ng SC, “even if Jalosjos had been pardoned, his accessory penalty of disqualification remains, and that it would only be removed if it had been expressly “remitted” in the pardon.”

Habang si Marynette Gamboa na kandidato sa pagka-alkalde sa Dingras, Ilocos Norte ay diniskuwalipika naman ng Comelec kahit ang kanyang kasong fraud na kinakaharap sa Amerika ay nililitis pa o wala pang pinal na desisyon at hindi pa siya nahahatulan doon.

Ayon din sa Korte Suprema, diskuwalipikadong congressional candidate sina Marinduque Rep. Regina Ongsiako Reyes at Kauswagan, Lanao del Norte mayoralty bet Rommel Arnado sanhi ng kanilang pagiging US citizen.

Matindi at mainit ang usapin sa kaso ni Reyes na ang nakalaban sa Marinduque ay si Lord Allan Jay Velasco, anak ni SC Associate Justice Presbitero Velasco.

Mabilis na nakapaglabas ng pinal na desisyon ang Korte Suprema gayong ang kaso ni Reyes ay hawak na ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na isa rin Constitutional body.

Kaya ganoon na lang ang pagtataka nila sa pagpayag ng Comelec sa kandidatura ni Erap bilang alkalde ng Maynila at matagal na pag-aksiyon ng Korte Suprema sa kanyang disqualification case, habang ang kanilang mga kaso ay mabilis na napagpasyahan.

Lumalabas na may double standard of justice o dalawang uri ng bersiyon ang batas sa magkaparehong kaso, habang ang nakabitin sa Korte Suprema ang pagresolba sa disqualification case na nakatengga laban kay Erap.

Kapag ang batas ay may dalawang bersiyon, manganganib rin pati ang demokrasya sa ating bansa dahil katumbas ito na walang umiiral na batas.

Sa pagkakaalam natin, ang mga kasong may kaugnayan sa eleksiyon, tulad ng disqualification, ay pangalawa sa hierarchy o hanay ng mga kaso at prayoridad sa mga pangunahing dapat resolbahin ng hukuman at Korte Suprema.

ERAP, VERY IMPORTANT

PLUNDERER (VIP)

MAGING tayo ay nagtataka rin kung bakit si Erap ay tinatratong VIP (very important plunderer) at nagtatamasa ng mga kakaibang pribilehiyo sa “tuwid na daan” ng administrasyong Aquino gayong siya ay convicted sa kasong pandarambong, ang pinakamataas na antas ng pagnanakaw sa kaban ng bayan ng isang opisyal ng gobyerno.

Si Erap lang ang bukod tanging convicted criminal na malayang nilalabag ang mga batas at kondisyones ng kanyang conditional pardon sa ilalim ng tinatawag na executive clemency na iginawad sa kanya ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kabilang sa mga tinatamasang pribilehiyo ni Erap ang garapalang pagbale-wala sa hatol ng Sandiganbayan sa kanya.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, kasama sa naging hatol ng Sandiganbayan sa kanya na isauli sa gobyerno ang kanyang mga dinambong sa mamayan na hangga ngayon ay hindi pa niya ibinabalik.

Nilabag din ni Erap ang nakasaad na kondisyon sa kanyang pardon na hindi na siya muling kakandidato per dalawang ulit pang kumandidato sa magkahiwalay na eleksiyon noong 2010 at 2013.

Ang sinumang convicted criminal ay ibinabalik sa kulungan sa sandaling lumabag sa kondisyones ng pardon.

CONDITIONAL PARDON NI GMA

KAY ERAP LABAG SA BATAS

ALAM n’yo ba na kuwestiyonable, labag sa batas at walang bisa ang conditional pardon na iginawad ni GMA kay Erap noong 2007?

Sa Section 10 (Executive Clemency) ng Revised Rules and Regulations of the Board of Pardons and Parole, ganito ang nakasaad:

“For Conditional Pardon, the prisoner shall have served at least one-half (1/2) of the minimum of his original indeterminate and/or definite sentence. However, in the case of a prisoner who is convicted of a heinous crime as defined in Republic Act No. 7659 and other special laws, he shall have served at least one-half (1/2) of the maximum of his original indeterminate sentence before his case may be reviewed for conditional pardon.”

Dahil hindi naman napagdusahan ni Erap sa kulungan ang kalahati o ½ ng habambuhay na pagkabilanggo na hatol sa kanya, kayo na po ang makapagsasabi kung may may bisa o balido ang pagkakagawad sa kanya ng conditional pardon.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *