Monday , December 23 2024

Hokus-pokus sa Port of Cebu?

MULING NABULABOG na naman ang Aduana sa panibagong Customs Personnel Order (CPO) mula sa bagong Customs Commissioner Sunny Sevilla at kabilang sa mga bagong itinalaga ay si Port of Cebu WAU chief Gerry Ocampo bilang OIC Collector ng Sub-Port of Mactan.

Nang makausap natin si outgoing Sub-Port of Mactan Collector Paul Alcazaren ay sinabi niyang siya ay muling babalik sa Port of Cebu, kung saan siya naging OIC district collector nang napakaiksing panahon, at ngayon siya na ang deputy collector for administration at siya ring deputy collector for operations. Aniya ay meron daw siyang CPO ngunit ni anino ng nasabing papel ay hindi niya naipakita.

Samantala, bakante pa rin ang posisyon ng deputy collector for assessment at wala pa ring hepe ng Assessment Division. Wala namang anumang pahayag si retired military general Roberto Almadin sa kanyang organizational structure ng Port of Cebu upang magkaroon ng trade facilitation at makamit ang collection target buwan-buwan.

Ngunit dahil sa SOBRANG KAPRANINGAN AT PAGMAMALINIS ng mga “nasa itaas” ay naaantala ang pag-release ng mga kargamento at lagi na lang may alert order na di tuloy malaman kung ito ba ang OPLAN PAKILALA lamang.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay NAPAKALUNGKOT ng Pasko sa Port of Cebu sa kabila ng nalampasan nito ang assigned annual collection target bago pa man itinalaga si General Almadin.

Sinabi naman ng ilang “players” na masyado na silang nahihirapan sa sitwasyon na isinilarawan nila na “killing the goose that lays the golden egg.”

Ayon naman sa ilang opisyal, sang-ayon sila sa masigasig na kampanya laban sa ismagling ngunit dahil sa sobrang higpit at pagmamalinis na “no take policy” ay nadadamay ang mga lehitimong transaksyon.

Junex Doronio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *