Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, may sumamang ‘lalaki’ sa pag-uwi sa kani-kanilang bahay

MAY kakaibang karanasan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang hindi sila magpagpag. May kasabihan kasi na hindi lang daw pagkagaling sa burol dapat magpagpag kundi pagkagaling din sa isang bahay o lugar na haunted na mabigat at weird ang pakiramdam.

Ayon kay Daniel, pag-uwi niya ay naroon ‘yung mga kaibigan at kabanda niya sa bahay. Pero marami raw weird na nangyari sa bahay nila after na mag-shoot sila sa Pililla, Rizal. Pati ang kasambahay nila ay may nakita raw na ‘lalaki’. May nakita raw siya na katabi ni Batman (malaking estatwa sa bahay nila).

Siya naman ay parang may sumisipol sa kanya sa loob ng kuwarto.

“Parang ginagaya ‘yung sipol ng kaibigan ko. Sisipol ‘yung kaibigan ko, tapos big­lang may gumagaya. Tapos, parang hindi ko pinapansin. Kasi, ayo­kong magtakbuhan eh. Delikado ‘yung ano sa bahay namin, eh. Noong sumipol siya (kaibigan niya) ulit na may gumaya, sabi niya sa akin, ‘Narinig mo ‘yon?’ Ako naman, ‘Hindi, wala akong narinig. ’Tapos, noong sumipol na talaga siya, sabi niya, ‘Tingnan mo ‘to…’ Sumipol siya. Tapos, sa gitna naming dalawa, ginaya ‘yung sipol! So, ayun. Hindi naman ako natakot, actually. Ha! Ha! Ha,”kuwento niya.

May share  rin Kathryn na ang bigat-bigat ng vibes niya sa isang location nila at hindi raw siya nagpagpag.

“Ewan ko kung imagination ko lang, pero same time ‘yon na may nangyari rin kay DJ . Nag-text din siya sa akin. Ang nangyari sa akin, ‘yung blower. Naligo ako bago matulog. Pinatuyo ko ‘yung buhok ko. Tapos, noong nakahiga na ako sa kama ko, nag-on bigla ‘yung blo­wer! Eh, pinatay ko ‘yon. So, tinawag ko sina Mama, pinapunta ko sila sa CR. Tinext ko rin si DJ. Tapos, sabi niya, may nangyari rin pala sa kanya. Same time, sa bahay niya. So, feeling namin, kasi hindi kami nagpagpag galing sa location. Baka may sumama or something,” kuwento niya.

Mula noon after ng shooting nila ay nagco-convoy sila at nagpapagpag sa gasoline station bago umuwi.

Talbog!

Anne Ubando ng Pangasinan, itinanghal na Miss Beauche International

BILIB kami kay Direk Anton Broas Jr. sa bilis ng presentation ng Miss Beauche International sa Solaire Resort and Casino. Hindi kami nainip at may mga bago siyang atake sa isang pageant.

Wagi ang aming kababayan sa Pangasinan, ang Ms. Dagupan na si Anne Mabel Ubando na ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz ang nagputong sa kanya ng korona.

Sosyal ang 1st Miss Beauche International ni Madame Conchita De Los Reyes dahil dinaluhan din ito at naging judges din sina Venus Raj, Diana Zubiri, Paolo Ballesteros, RJ Nuevas ng GMA at ‘yung iba ay non-showbiz.

Si Brent Javier naman ang male host.

Rpldan Casro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …