NAGPAKITA ng kanilang puwet ang isang grupo ng Spanish pensioners sa kanilang kilos-protesta sa harap ng stock exchange.
Sampung miyembro ng aktibistang grupong ‘Iaioflautas’ (Hippy Pensioners), ang nagpoprotesta kaugnay sa government cuts sa social programs, ayon sa ulat ng The Local.
Ang kanilang kakaibang protesta ay kanilang ginaya sa Catalonia’s regional Christmas decorations – “the Caganers” – na nagtatampok sa figurines na naka-squat.
Ayon sa isang Iaioflauta activist: “Iaioflautas came here to do our crap against this government that is impoverishing us.”
Ang salitang ‘Iaioflauta’ ay kombinasyon ng Ca-talan term ‘iaio’, na ang ibig sabihin ay lolo o lola, at ‘perroflauta’ o hippy. Aktibo ang nasabing grupo sa buong Spain.
(ORANGE QUIRKY NEWS)