Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maganda ang 2013 sa La Salle — Sauler

NAGING maganda ang pagtatapos ng 2013 para sa De La Salle University dahil muli itong naghari sa Philippine Collegiate Champions League.

Winalis ng Green Archers ang finals ng liga kalaban ang Southwestern University ng Cebu sa pamamagitan ng 70-61 panalo sa Game 2 noong isang araw sa The Arena sa San Juan.

Pinangunahan ni Jeron Teng ang atake ng La Salle sa dalawang laro ng finals kung saan ginantihan nila ang kanilang pagkatalo sa Cobras sa overtime sa Final Four.

“It’s a great year for us,” wika ni Archers coach Juno Sauler. “Hopefully these learnings and experience will carry us through next year.”

Bago nito, nagkampeon ang La Salle sa UAAP Season 76 kontra University of Santo Tomas para sa una nitong korona sa liga mula pa noong 2007.

Napili si Sauler bilang UAAP Coach of the Year samantalang nakuha ni Teng ang parangal bilang College Player of the Year mula sa UAAP Press Corps.

Idinagdag ni Sauler na lalong pupursigihin niya ang kanyang mga bata para muling maghari ang La Salle sa susunod na taon.

“We still have to learn more,” ani Sauler. “Things happened today that we could’ve avoided. Still shows some lack of maturity from our players.”

Samantala, inamin ng head coach ng SWU na si Raul Alcoseba na maraming bigas pa ang kailangang kainin ng Cobras kontra sa mga magagaling na pamantasan sa Maynila.

“The Manila teams play with the composure, the shot selection, very disciplined. That we have to learn,” pahayag ni Alcoseba.

“They have a better program than us. A UAAP team is better than a Cesafi team, obviously.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …