Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melanie Marquez nahulog sa bangin sa Utah

UTAH – Nagpapagaling na si dating beauty queen Melanie Marquez makaraang aksidenteng mahulog ang kanyang SUV sa 12 talampakang lalim ng bangin malapit sa Utah – Arizona border noong Disyembre 7.

Habang nagmamaneho mula sa Las Vegas pauwi sa kanilang bahay sa Annabella, Utah, si Marquez ay may nasaging bloke ng yelo at nadulas ang kotse palayo sa highway dakong 5:30 p.m.

Si Marquez at tatlong iba pa, kabilang ang 12-anyos niyang anak na si Adam, ay isinugod sa isang ospital sa St. George, Utah, dalawang oras makaraan ang insidente.

Si Marquez ay dumanas ng bali sa gulugod gayondin sa sternum, habang ang kanyang anak ay mga sugat at gasgas lamang.

Makaraan ang insidente, sa kabila ng kanyang pinsala, gumapang si Marquez palabas ng sasakyan at umakyat patungo sa lugar kung saan siya makahihingi ng tulong – bagay na ikinonsidera niya bilang milagro.

“Climbing that hill, it was a miracle,” aniya. “I just felt someone carry me so I could walk.”

Sinabi pa ni Marquez na kailangan magsuot ng brace sa loob ng tatlong buwan, pagaling na siya at inaasahang makalalabas na ng ospital.

Plano niyang magpagaling kasama ang pamilya sa Salina, Utah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …