UMAPELA ang grupo ng mga manggagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na resolbahin ang labing isang (11) graft cases na isinampa laban kay MWSS administrator Gerardo Esquivel, Jr.
Kasabay nito, hiniling ni MWSS Labor Association Napoleon Quinones kay Carpio-Morales na suspendihin si Esquivel at kapwa akusado habang isinagawa ang pagdinig ng paglabag sa Commission on Audit rules.
Kabilang sa mga kapwa akusado ni Esquivel ay sina MWSS Regulators Emmanuel Caparas at ang deputy na si Vince Yambao na umano’y nagsabwatan sa pagkuha ng 47 consultants na binayaran ng P88 milyon.
Sina Esquivel, Caparas at at Yambao ay nakatanggap din ng P3 milyon allowances na maliwanag na paglabag sa Commission on Audit (COA) rules.
Ang nasabing consultants ay ginagamit ni Esquivel sa pag-atake laban sa water conscessionaires na Manila Water at Maynilad na ang isa sa kanila ay nagngangalang Atty. Gatmaitan.
Sa isinagawang panayam kay Quinones, may natanggap siyang mga ulat mula sa loob ng Ombudsman na may tumutulong sa kaso ni Esquivel na malapit kay Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pangangamba si Quinones na posibleng magkaroon ng white wash ang kaso ni Esquivel na nakahain sa Ombudsman dahil sa pressure ng nasabing graft body.
“We just want to call the attention of Ombudsman Conchita Carpio-Morales. She must look into those graft cases we filed in her office. She must look into those graft cases we filed in her office. She must likewise order the suspension of Esquivel and his-co-accused while they are being investigated. It is unfair to the Filipino people if these people remain in their posts when they are being probed for graft and corruption,” ani Quinones. (Mon Estabaya)