ISANG espesyal segment ang ihahandog nina Korina Sanchez at Robin Padilla para sa Christmas special ng ABS-CBN. Napag-alaman naming binisita nina Koring at Robin ang Zamboanga at pinuntahan nila ang mga nasunog na bahay ng mga Badjao na resulta ng digmaan ng MNLF at mga puwersa ng gobyerno.
Pinuntahan din nina Koring at Robin ang mga labi ng pinaka-matandang mosque sa Zamboanga sa Rio Hondo na central ng lokasyon ng tatlong linggong barilan ng MNLF at mga puwersa ng gobyerno noong nakaraang Setyembre 2013.
Ang mosque, na isang preserved heritage site, ay nasunog ng buong-buo.
Sa Christmas special ay nakasama rin ni Koring ang mga komedyanteng sina Chokoleit atPokwang at ang young actress na si Erich Gonzales sa pamimigay ng mga Christmas packages sa war-torn Zamboanga.
Inasikaso nina Koring, Chocoleit, Pokwang, at Erich ang displaced na mga pamilya sa Zamboanga. Bawat pamilya ay tumanggap ng Christmas package, mga mansanas, isang kiddie gift bag, at iba pang pang mga sorpresa mula sa ABS-CBN.
Maricris Valdez Nicasio