Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)

Ipinasara ng pamahalaan ng Quezon City ang Manila Seedling Bank Foundation, Incorporated (MSBFI),  nasa EDSA-Quezon Avenue, dahil sa pagkakautang sa buwis, Lunes ng umaga.

Ayon sa report, dahil sa hindi pagbabayad ng real property tax mula 2001 hanggang 2011 na umaabot ng P57 milyon kaya ipinasara ng Quezon City Hall ang Manila Seedling Bank.

Dakong 6:00 ng umaga nang ikandado ng mga tauhan ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga gate ng seedling bank sa Quezon Avenue at EDSA.

Ayon naman kay Jack Paleg, isa sa mga tenant at chairman ng Gardeners Landscapers and Marketering, Incoporated, bukod sa alanganin ang pagkakabigay sa kanila ng cease and desist order noong Biyernes, pinutol na rin ang suplay ng tubig kaya delikadong malanta ang kanilang mga tanim.

Bagamat inaalok na ang mga apektadong tenant ng paglilipatan sa Quezon Memorial Circle, tumanggi ang ibang tenant dahil maliit ang pwesto at matumal ang kostumer sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …