MATABIL
ni John Fontanilla
MATAPAT na sinabi ni Rochelle Pangilinan na ang naging motivation sa kanya na i-push ang kanilang concert bagamat walang naniniwala sa kanilang mag-produce ay dahil sa kanyang anak na babae.
Kaya naman sila-sila na lang (Sexbomb Girls) ang nag-produce ng kanilang concert na super blockbuster, ang RAWnd 1 ay nasa RAWnd 5 na at sold out pa rin ang tickets.
Kuwento nga ni Rochelle sa isang interview, big fan ang kanyang daughter na si Shiloh. Aniya, ikinuwento nito sa kanyang anak na dati siyang leader ng isang sikat na female group noon na Sexbomb at hindi ito agad naniwala at sinabing, “You will never be a Bini mommy!”
At sa narinig ni Rochelle ay nasaktan siya at napa-iyak at sinabihan ang asawang si Arthur Solinap na sabihin sa kanilang anak na totoo ang sinabi niya na siya namang sinabi ni Arthur sa anak.
Dahil doon, mas naging pursigido si Rochelle na mas ituloy ang concert at sila-sila na nga ang magpo-prodyus.
At after nga ng kanilang 1st mega hit concert na napanood ng kanyang anak ay naniwala na ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com