Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Vince Tañada Bonifacio Ang Supremo

Atty Vince binigyang katwiran paghuhubad sa FB

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SIMULA ng taon, nagalugad na ng Philstagers ni Atty. Vince Tañada ang sari-saring paaralan sa Kabikulan sa pakikipagtulungan sa tanggapan ng kasalukuyang Alkalde ng Naga na si Madam Leni Robredo at ng DepEd. Para sa play na Bonifacio: Ang Supremo.

Full-packed sa lahat ng venues na pinagtanghalan nila ito. May dalawang lugar lang na na-postpone pero babalikan nila dahil sa lagay ng panahon.

At sa pagbabalik naman ni Atty. Vince sa Kamaynilaan, agad itong tumalima sa matagal na palang  request ng producer ng AQ Prime na si Atty. Aldwin F. Alegre, para makipagtulungan sa mga pelikulang pwede nilang gawin.

Ilang hakbang lang pala ang bahay ni Atty. Alegre kay Atty. Vince sa puso ng Sampaloc, Maynila.

Pitchings were made. At hindi lang tango ng approval ang nakuha nina Atty. Vince at Philstagers sa mga ipinamalas nilang synopsis ng mga kwento. Okay sa.boss ng AQ Prime ang kanilang ipinitch na mga kwento.

Idagdag pa riyan ang isang proyektong paaalagwahin ang tambalang DonEkla (Donita Nose at Tekla) sa pelikula.

Masaya ang dalawang pañero sa naging resulta ng usapan. Na sisimulan na ang shoot any time soon.

Samantala, marami rin ang aliw kay Atty. Vince sa no-holds barred na mga tanong sa kanya sa Facebook. Gaya nito.

May nagtanong sa akin: BAKIT KA BA HUBAD NG HUBAD SA FB? Simple lang ang sagot diyan. I worked hard for it! I want to inspire people. I want them to look at me and say “because of you I didn’t give up”! 

“Mahirap din ang pinagdaanan ko pagkatapos kong atakihin and rushed to the hospital exactly 10 years ago (October 2008). Heart problem, diabetes, high cholesterol, fatty liver, high blood. I was 265 lbs, 44inches waistline, I didn’t look good and I DIDN’T FEEL GOOD. Hindi ako makahinga ng maayos, parati akong hinihingal at bagsak ang self confidence. 

“Pero hindi ako sumuko. With absolutely no rice for 5 years, hitting the gym on a day to day basis, loving myself more and having a strong desire to have a quality life…eto na po ako. It was a process, yes, but it doesn’t matter how slowly you go, as long as you don’t stop. 

“I’m posting this hindi para magyabang. Sana po naiintindihan niyo na kung bakit ako naghuhubad. I guess you don’t need to be perfect to inspire others. Let people be inspired by how you deal with your imperfections. 

“I’m 135 lbs now with a 30inches waistline. Kaya mo din, believe me! Kinaya ko nga eh.“

Eh, sigurado namang mababawasan ang timbang nito sa pagiging abala with all the tasks he does. Especially onstage. At sa ibang mga bayan pa. Three shows a day. Everyday. Taray ‘di ba?

Pero nagawa namang namnamin ang iba’t ibang lugar sa Japan kahit araw-araw naliligo sa niyebe. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Josh Groban GEMS World Tour

Josh Groban dadalhin GEMS World Tour sa Manila: Regine, Martin special guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG espesyal na pagtatanghal ang magaganap sa February 18, 2026, ang GEMS …

Kris Aquino

Kris na-miss ang pag-iinterbyu, posibleng sumabak sa video podcast

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMI pa rin hanggang ngayon ang sumusubaybay kay Kris Aquino lalo …