PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions sa muling pagkakakulong ni dating Senador Bong Revilla. May ilang influencers at celebrities na tila tuwang-tuwa sa nangyari sa dating senador, habang mayroon namang tahimik siyang ipinagdarasal na sana ay makayanan at malampasan ang mga pangyayari.
Para sa mga hindi naniniwala sa kanyang mga adbokasiya sa politika, natural na hinuhusgahan agad nila itong “guilty” sa kinasangkutang eskandalo.
Sa mga ibang nakakakilala at nakakasama siya, siyempre dinedepensahan nila ang aktor-politiko.
Although marami rin ang naniniwalang ‘moro-moro’ lang daw ang lahat lalo’t may mga dapat at higit pang isama sa kulungan na nasa mataas ang posisyon.
Gayunman, may mga nagbibigay ng unsolicited advice sa pamilya Revilla lalo na sa mga kaanak ng dating senador na may mga posisyon pa sa gobyerno na mas maging maingat sa pakikitungo sa mga kaalyado o kalaban sa politika.
Ayon pa sa kanila, “hindi naman unang beses na nangyari ito. Sadyang iba ang laro sa politika. Hindi ito eksena sa movie o TV na may nabibiktima or what. Dapat sa tagal nila sa politics, kilala na nila dapat ang mga totoong kasangga nila o kaaway. Hindi na uso sa panahong ito ‘yung nagpapa-victim ka.”
Sa panig pa rin ng mga Revilla, matapang pa rin nilang haharapin ang naturang mga kaso dahil patuloy silang naniniwala sa sistema ng mga batas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com