BUMISITA ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa bagong-renovate na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) Tennis Center noong Biyernes ng umaga, bilang bahagi ng paghahanda para sa WTA 125 Philippine Women’s Open.
Kasama ni Eala sa pagbisita ang kanyang ama na si Mike Eala, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick Gregorio, at Philippine Tennis Association (PHILTA) secretary-general at Navotas City Mayor John Rey Tiangco. Nagkaroon ng photo opportunity ang grupo sa sentrong court ng pasilidad.
Sinubukan din ni Eala ang kondisyon ng court matapos ang pagsasaayos nito at nakipagpaluan ng bola kay Tenny Madis, kapwa niya wildcard entry sa torneo at dating kakampi sa Thailand SEA Games.
Ang pagbisita ni Eala ay nagpapakita ng patuloy na suporta sa lokal na tennis at sa mga pagsisikap na maitaas ang antas ng palakasan sa bansa sa pamamagitan ng mas maayos na pasilidad at internasyonal na kompetisyon. (PSC/HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com