Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABIL
ni John Fontanilla

NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang cellphone gamit ang Find my Phone app na nasa Shenzhen, Guangdong, China na iyon ngayon.

Biro nga ni Lance, mabuti pa ang cellphone niya nasa China samantalang siya ay hindi pa nakararating sa nasabing bansa.

Kuwento pa ng actor na una niyang nalaman na dinala sa Greenhills ang cellphone niya bago napunta sa China.

Tsika nga nito, “Ang update sa cellphone ko, nasa Shenzhen, Guangdong, China na po siya ngayon. Nag-mall stop muna siya sa Greenhills bago pumunta ng China.

“Noong unang-una po talaga, nasa Greenhills siya.

“Pero I mean, sino ba naman ang aamin kung iisa-isahin ko ‘yung mga cellphone store roon. So binalewala ko na lang. I buy a new one.

“Noong nakita ko na bagong location niya, nasa China na siya.”

At nang matanong ito kung nag-aalala ba ito na baka may sensitibong video na naka-save sa kanyang phone ay mabilis na sinabi nitong hindi siya nababahala, dahil wala naman siyang sensitibong video sa phone.

Hindi na raw nito inaalala ang nawawalang cellphone dahil nakabili na siya ng bago.

Anyway, isa si Lance sa aabangan sa Viva One series na Hell University kasama sina  Heart Ryan at Zeke Polina gayundin sina Aubrey Caraan, Andre Yllana, Gabbi Ejercito, Derrick Ong, Jac Abellana, Jastine Lim, Keagan De Jesus atbp. Sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr. at mapapanood na sa February 6. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …