NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, January 19.
Sa video na kumalat sa social media, unti-unting natutumba ang komedyante sa stage hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay.
Sa simula pa lang ng video ay tila nahihilo na si Boobay at bago ang kanyang second song ay bigla na lang napahinto hanggang bumagsak na.
Tinulungan naman agad ang mga medic na pasugod umakyat ng stage at binuhat patungong backstage. Mabulis ding umakyat ng stage ang kaibigan at partner niya sa show na si Super Tekla.
“Magiging okay ‘yan. Part po ‘yan ng sakit ni Boobay. Tuloy-tuloy tayo, kaya nandito po ako…
“Araw-araw nandiyan ako para sa kanya,” mensahe ni Tekla sa audience.
“Just relax, guys. Okay lang po ‘yan. After five minutes babalik din po ‘yan. Para yang computer, nagsa-shutdown siya sa sobrang gamit. Ayaw kasing magpahinga ng gaga,” dagdag pa ni Super Tekla.
Makalipas nga ang ilang minuto ay bumalik sa stage si Boobay para ituloy ang kanyang pagkanta na parang walang nangyari.
“Ito kasi, paano binanggit-banggit mo kasi si Lord kanina, ayan tuloy dumiretso ako,” biro ni Boobay kay Tekla.
“Bakla ka, dapat hindi mo binabanggit ‘yon, ayan tuloy nangyari. Kasalanan mo yon,” hirit pa ni Boobay.
“Nasisi pa ako. Hoy, ilabas mo si Boobay!” tili naman ni Super Tekla.
“Ito na lalabas na siya kasi kailangan niyang kantahin ito. Kapag kasi hindi ko nakanta ito, hindi kompleto ‘yung suweldo ko ngayong gabi.”
Sa kabilang banda, marami ang nag-alala kay Boobay dahil ilang beses na itong nahimatay sa lalo kapag nagpe-perform.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com