PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang nakikisimpatiya kay Rabiya Mateo dahil sa inilabas nitong medical certificate na nagsasabing may pinagdaranan itong mental health problem.
Matagal-tagal ding nawala sa sirkulasyon ang beauty queen na naugnay kay Jeric Gonzales at naging parte ng mga series sa GMA 7.
Ayon sa latest post nito sa dialect na Ilonggo, kauumpisa pa lang ng 2026 kaya’t nakikiusap itong mas maging maingat sana ang mga tao sa panghuhusga at paggamit ng mga salita at pag-stop na sa bullying.
Nabanggit pa nito ang anak ni Kuya Kim Atienza na naging biktima ng bullying online.
“Words can kill,” bahagi pa ng mahabang post ni Rabiya. Taong 2025 pa pala siya na-diagnose with depression at anxious distress at pinayuhan siya ng kanyang Psychiatrist na mag-lay low sa trabaho at ipagpatuloy ang medication.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com