PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban kay Cavite 4th District Representative Francisco “Kiko” Barzaga sa Office of the Manila City Prosecutor.
Ang pagsasampa ni Valeriano ng kaso ay may kaugnayan sa social media post ni Barzaga kung saan kapalit umano ng kickback ay tila inaakusahang tumanggap umano ng kickback ang mga congressman na pawang miyembro ng National Unity Party o NUP noong ika-9 ng Enero taong 2026.
Partikular na binanggit sa reklamo ni Valeriano ang pahayag ni Barzaga na, “NUP Congressmen received bribes from Enrique Razon in various gatherings in Solaire prior to the 2025 elections in exchange for supporting Speaker Martin Romualdez.”
“The statement is a direct public accusation of bribery against identifiable members of the NUP bloc, and constitutes an imputation of a serious crime made without evidence and published through a widely accessible social media platform, further arguing that the post was widely circulated online in a manner that maximized reputational harm,” Pahayag naman ni Valeriano.
Sa nabanggit sa post na pinaratangan umano ni Barzaga ang mga NUP congressmen na tumanggap ng suhol mula kay Businessman Enrique Razon sa isang event bago ang 2025 elections katumbas umano ng suporta sa re-election bid ni House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Valeriano, ang post ni Barzaga ay malinaw na Cyber Libel o paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, in relation to Articles 353 and 355 ng Revised Penal Code on libel.
“The post was made maliciously and with reckless disregard for the truth,” ani Valeriano at aniya, ni walang pruweba upang suportahan ang nasabing akusasyon. Idinagdag na pahayag ni Valeriano.
Pinunto pa ni Valeriano na mapanira sa reputasyon ng mga legislators ang post ni Barzaga, alegasyon aniya na walang ebidensya, walang verification at walang accountability.
Nabatid na nakatakdang maghain ng reklamo ang NUP members na naapektuhan rin sa naturang post ni Barzaga.
Samantala, Sa napagalaman na nakahanda namang harapin ni Cong. Barzaga ang mga kaso na isinampa laban sa kanya. “Ill face them in court” Pahayag ni Barzaga
Ang mga pahayag ni Cong. Valeriano ay inilahad nito nang makapanayam ng MEDIA sa Manila City Hall matapos ang pormal na pagsasampa ng nasabing kaso. (BRIAN B.)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com