PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial nang finally ay tila kinompirma na nila ang kanilang relasyon sa tunay na buhay.
“Hindi ko na siya susundan sa ‘Incognito’ dahil magkasama na kami,” dagdag pa ni Barbie na makakasama nga ni Richard sa bago nitong serye na Duty versus Blood na kasama rin sina Gerald Anderson, Baron Geisler, at Bela Padilla.
Marami nga ang nagsasabing tila “package deal” nga ang real-life partner sa series na nabanggit bagamat noon pa naman sinasabi ni Chard na hindi naman imposible na magkasama sila ni Barbie sa isang project.
Halos mag-three years na rin sila kung hindi rin kami nagkakamali lalo’t sa maraming pagkakataon kapag may mga importanteng okasyon ang bawat isa ay talaga namang nagsusuportahan sila by simply gracing those events.
Well, we could only wish the best for them. Mukha namang serious sila at feel naming nagmamahalan talaga sila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com