MATABIL
ni John Fontanilla
FEELING winner ang kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami ng regalong natanggap nito nang magtungo ng Dubai para mag-show sa mga kababayan natin doon kamakailan.
Hindi nga ini-expect ni Will na magiging sobrang mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin na nagtatrabaho, habang ang iba naman ay naninirahan na sa Dubai.
Malaki talaga ang naitulong ng pagpasok nito sa PBB Collab 2025, dahil instant sikat ito hindi lang sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bansa na mayroong Pinoy.
Post nga nito sa X bilang pasasalamat sa mga tumangkilik sa kanya sa Dubai, “Thank you for the warm welcome Dubai! Thank you sa gifts! Love you all! ”
Binaha ng komento ang post na ito ni Will, at ilan dito ang mga sumusunod:
“Aww thank you for coming kahit short visit lang. have a safe flight, love ka namin.”
“You deserve all the gifts and warm welcome. More to come! You did great nak! We love you too!”
“Will Yung Last Gift namin sayo sa airport di mo na matanggap, hindi na kasya sa maleta mo sayang naman to, tapon ko na lang, eme , may next time pa naman . See you soon.”
“Sa susunod na balik mo sa Dubai mag sky dive na. You did great na namn sa performance mo kanina!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com