Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang na ibinato sa kanya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo sa ginanap na Senate Blue Ribbon Committee hearing noong nakaraang Lunes.

Ang pagdinig ay nagsilbing pagkakataon para kay Ngu upang tuwiran niyang pabulaanan ang akusasyon na siya umano’y tumanggap ng P160 milyon at P280 milyon mula sa mga flood control project.

“I absolutely deny all the allegations made by Usec. Bernardo. That’s the reason I already filed a case against Usec. for defamatory insinuations,” ani Ngu.

Hindi rin pinalampas ni dating Department of Education Usec. Trygve Olaivar ang mga paratang laban sa kanya ni Bernardo, na kanyang tahasang itinanggi.

Ibinintang kay Olaivar na humingi umano ng 15 porsiyentong kickback mula sa DPWH projects na nagkakahalaga ng P2.85 bilyon, na sinasabing para kay “ES.”

“I deny those allegations. Wala pong katotohanan—lahat po from the communication, nag-deliver kay Executive Secretary na wala naman po akong personality kay Executive Secretary,” giit ni Olaivar.

Para kina Ngu at Olaivar, malinaw na hindi mapagkakatiwalaan ang mga testimonya ni Bernardo.

Sa puntong ito, mahalagang ipaalala na ang mga paratang ay nagmumula sa isang testigong may seryosong isyu sa kredibilidad.

Ang mga naririnig sa Senate Blue Ribbon hearings ay hindi pa katotohanan kundi mga alegasyon pa lamang. Wala pang findings, wala pang ruling, at wala pang conviction. Ang mga pagdinig sa Senado ay para maghanap ng katotohanan, hindi para maglabas ng hatol. Sa ilalim ng ating Konstitusyon, may presumption of innocence ang bawat isa.

Hindi rin dapat kalimutan na ang alegasyon ay hindi ebidensiya, lalo na kung wala itong sapat na basehan at umaasa lamang sa salaysay ng isang tao.

Hindi dahil may nagsalita ay awtomatikong totoo na ang kanyang sinasabi. Due process ang dapat sundin. Kung may ebidensiya, ilantad ito. Kung wala, mali ang trial by publicity na hinahatulan na agad ang mga individual sa social media at opinyon ng publiko, tulad ng nangyayari kina Ngu at Olaivar.

Layunin ng Senate investigations na linawin ang mga isyu, hindi ang sirain ang reputasyon ng kahit sino gamit ang hindi pa napatunayang akusasyon.

Sa pagsusuri ng mga pahayag ni Bernardo, kapansin-pansin ang kakulangan sa dokumento at corroborating evidence. Iisa ang source ng claims at wala pang malinaw na paper trail. Maraming pangalan ang nadawit ngunit kulang sa supporting documents. Ang affidavit, kung walang patunay, ay hindi sapat upang magbigay ng konklusyon.

Sa komplikadong usapin ng flood control corruption, hindi makatwiran na gawing sentro ang iilang individual batay lamang sa hindi pa nasusuring paratang.

Ang pagharap nina Ngu at Olaivar sa hearing ay hindi indikasyon ng kasalanan. Sa halip, isa itong pagkakataon upang magsalita, magpaliwanag, at pabulaanan ang mga walang basehang akusasyon sa ilalim ng panunumpa.

Transparency iyon, hindi pagtakas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee Marcos, ang ‘Baba-nocchio’ ng Senado

SIPATni Mat Vicencio PAGKAKAIBA ni Senator Imee Marcos kay Pinocchio: Si Pinocchio ang ilong ang …