BILANG bahagi ng temang “New Year, New Beer,” inilunsad ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) ang pinakabagong inobasyon nito ngayong 2026—ang San Miguel Mango Yuzu, isang refreshing alcoholic beverage na dinisenyo para sa modernong panlasa ng mga Pilipino.
Ang San Miguel Mango Yuzu ay may 5% alcohol content at gumagamit ng Belgian-style wheat beer bilang base. Pinagsasama nito ang tamis ng hinog na manga at ang preskong juicy zest ng yuzu, na nagbibigay ng natural fruit juice taste na swak sa mainit na klima ng bansa.
Ayon sa SMB, tiyak na tatangkilikin ng mga Pinoy ang kakaibang kombinasyon ng tropical mango flavor at wheat beer, na nag-aalok ng magaan ngunit masarap na beer experience. Inaasahan ding magiging paborito ito ng mga mahilig sumubok ng bagong beer variants.
Ang San Miguel Mango Yuzu ay limited time offer lamang at mabibili sa mga piling bars, restaurants, supermarkets, at ilang convenience stores. Maaari rin itong i-order sa pamamagitan ng SMB Delivers sa numerong 8632-BEER (2337).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com