ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus dahil maganda ang project na natoka sa kanya. Ito’y sa pamamagitan ng pelikulang “Happy Ending” na pinamahalaan ni Direk Topel Lee at tinampukan din nina Ashley Lopez, Ada Hermosa, Ghion Espinosa, Horace Mendoza, at Jero Flores.
Masayang nagkuwento sa amin si Amor hinggil sa naturang pelikula na available na ngayon sa VMX app.
Aniya, “Ang role ko po rito sa movie ay si Elis, isang masahita sa mga “client” na gustong mag-pamassage na may exta service.
“Ang tema po ng movie, sobrang nakakatuwa at makikita po natin dito ang reyalidad na may mga ganitong sitwasyon na nangyayari talaga na hindi natin inaasahan. Bale, ang kuwento po nito – may tatlong magkakaibigan na sina Ghion Espinosa, Horace Mendoza, at Jero Flores.
“Si Horace po bilang Patrick, siya po yung makulit at nag-aya sa isang massage spa na may halong extra servica. Kasama niya sina Ghion bilang Joel at Jero sa papel na Iki. So, nagkakayayaan po ang tropa at doon nagsimula ang exciting na massage na may halong extra service.”
Pagpapatuloy pa ng magandang talent ni Jojo Veloso, “Ang tatlong leading lady naman dito ay sina Ashley Lopez, si Ada Hermosa na nagbabalik din pagkatapos ng ilang buwan, plus ako po.
“Bale magkakasama po kaming tatlo sa spa na nagkaroon ng mga maiinit na eksena, may oil na ginamit at mga client na nagpapa-massage at pinapagawa ang mga gustong gawin para ma-satisfied sila…
binabayaran kami para po sa hanap nilang happy ending.
“Si Ashley bilang si Ina, nabighani rito si Joel, hindi lang sa may nangyari na sa kanila kundi tumibok ang puso nito at nagseryoso. Kaya muli nitong binabalik-balikan sa spa si Ina, hanggang sa tinulungan ni Joel si Ina. Si Ada naman po bilang si Trisha ay nagkaroon din nang mainit na love scene kina Joel at Iki at kumbaga po ay hindi rin siya nagpatalo.
“Ako naman po, ang naka-partner ko rito ay sina Patrick at Iki. Marami pong mga eksena rito na kaabang-abang na hindi ko na po sasabihin, para hindi ako maging spoiler,” nakangiting sambit ni Amor.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kanyang manager at bossing ng Viva na si Vic del Rosario.
Wika ni Amor, “Alam ko po na matagal-tagal din akong nawala sa pagiging artista at sa industriya, sa kadahilanan na nagkaroon ako ng sakit at tumigil po pansamantala. Lumapit po uli ako sa manager kong si Mama Jojo Veloso para maka-appointment po si Boss Vic, pero bago po ang lahat ng ito, ginawa ko po muna siyempre ang magpapayat.
“So, talagang sakripisyo po, kailangan iyong consistency at focus sa pagpapapayat. At sa muling pagbibigay sa akin ng chance, ang laking pagpapasalamat ko po dahil nagkaroon po ako ng project ulit sa Viva.
“Unang pagkakataon nang pagsabak kong muli sa movie, nakaka-proud po kasi nakita ko po yung resulta ng pagpapayat ko at noong pinanood ko po yung movie namin na Happy Ending, nasabi ko na, ‘Thank you po Lord’. Na sa dinami-dami nang mga pinagdaaanan ko po ay nandito na po akong muli at isang karangalan sa akin na makatrabahong muli ang mga co-actors ko po.
“Kaya nagpapasalamat po ako, actually, sobrang thankful po ako at nakabalik ako at nabigyan ng chance… maraming salamat po kay Boss Vic, sa manager kong si Mama Jojo Veloso, kay Direk Topel Lee, at sa Viva family.
“Promise po na mas lalong paiiinitin pa natin ang 2026 sa mga susunod na project na ibibigay po sa akin. Maraming salamat po ulit,” masayang sambit pa ni Amor.
Sa ngayon ay naghihintay si Amor sa susunod na project na matotoka sa kanya. Kaya focus siya nang todo, kung paano pa mas magiging sexy ang kanyang katakam-takam na wangkata. Kaya laging conscious ang aktres sa kanyang diet at lagi siyang laman ng gym.
Abangan si Amor sa muling pagpapatikim niya ng alindog at pampainit sa mga barako!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com