BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang drug den at inaresto ang apat na suspek sa droga matapos isagawa ang isang buybust sa Brgy. Sta. Cruz, sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 7 Enero.
Kinilala ng pinuno ng PDEA team ang naarestong operator na si alyas Teds, 59 anyos, at tatlo sa kaniyang mga kasabuwat at tumatayong runner na sina alyas Bill, 33 anyos; alyas Lex, 30 anyos; at alyas Isa, 36 anyos.
Nasamsam sa mga nahuling suspek ang apat na piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang anim na gramo ng shabu na tinayatang nagkakahalaga ng P40,800; iba’t ibang drug paraphernalia; at ang marked money na ginamit sa operasyon.
Isasailalim ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga sa forensic examination sa laboratoryo ng PDEA RO3, habang si alyas Teds at kaniyang mga kasabuwat ay pansamantalang ipipiit sa pasilidad ng PDEA RO3.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng PDEA RO3 Special Enforcement Team (RSET) at Porac MPS.
Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Section 5 (pagbebenta ng mga mapanganib na droga) at Section 6 (pagpapanatili ng den, dive, o resort) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na walang itinakdang piyansa. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com