MA at PA
ni Rommel Placente
SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon si Vice Ganda tungkol sa babaeng nag-video sa kanya habang naglalakad sa airport kamakailan.
Nag-viral ang video ng girl sa TikTok na makikitang nagmamadali si Vice na naglalakad habang sumusunod sa kanya ang nagbi-video .
Sabi ng girl, “Ay, si ano to, artista.. Si ano ito, artista ito. Sikat na artista sa Pilipinas. Uwi ka na ng ‘Pinas? Happy New Year.”
Tumingin naman sa kanya si Vice at nag-dialogue ng, “Happy New Year po! Hindi niyo nga ako kilala, Ate, eh.”
At least, may respeto pa rin si Vice sa girl. Kahit hindi nito nabanggit ang pangalan niya, ay binati pa rin niya ito ng Happy New Yaar, ‘di ba?
Mababasa sa post ng babae (na deleted na ngayon) ang caption na, “Nakalimutan ko name ni Vice Ganda pero namansin pa rin kahit parang nagtampo o galit.
“Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya. EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko,” aniya pa.
Kasunod nito, inokray at binengga ng netizens at supporters ni Vice ang babae na
hindi nagustuhan ang ginawa.
Kaya naman sa Laro-Laro Pick segment ng It’s Showtime, biniro ni Vice Ganda ang isang contestant.
“Kamukha mo ‘yung babaeng nagbi-video sa akin sa airport,” hirit ni VIce sabay muwestra sa ginawa ng babaeng nag-video sa kanya.
“‘Ay, kilala ko ito, eh, sikat ito, eh. Sikat to eh, artista to eh.’ Echoserang hindi niya alam pangalan ko, eh, kitang-kita ko siya.
“Noong nakita niya ako, sabi niya, ‘Ay, si Vice Ganda,’ tapos bini-video niya ako.
Ayoko nang ikuwento ng buo dahil maba-bash ka lalo, ‘Day!” sabi pa ni Vice.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com