Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Innervoices tropeo ang mga kanta

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw niya iyong pisikal na simbolo na tinanggap ang parangal. Siya ‘yon.

Pero sa bandang InnerVoices ni Atty. Rey Bergado, napakalaking bagay ng tropeong sumisimbolo sa kanilang pinaghirapan.

At kamakailan, ipinagkaloob sa kanila ‘yun ng 38th Aliw Awards ni Ms. Alice Hernandez.

Bilang Best Group Performer in Hotels, Bars and Retaurants.

At sa lahat ng naikutan nila, tunay naman na sinusuportahan sila ng kanilang mga tagahanga. Kahit pa ang mga nananahan na sa ibang bansa.

To name a few, mula sa Aromata, 19 East, Molito, Pier Juan,  Hard Rock Makati and Manila, Noctos. At marami pa.

Para ‘yun sa pagiging pinaka nila in their performances, gigs sa iba’t ibang lugar na ang musika nila ang tiningala, sinubaybayan, at itinangi.

Sa apat na beses na pagpapalit ng bokalista ng banda, itong sana nga raw eh, huli na si Patrick Marcelino, ang tintitingnan na tila “lucky charm” ng IV.

Parang dugong bumuhay sa sandaling nanamlay na tropa.

Patuloy man sila sa pagtugtog at pagkanta ng mga pinasikat ng mga banyagang grupo, bumulaga naman ang mga piyesang matagal ng nanahan sa baul ni Atty. Rey. Para siya nilang ipagmalaki sa mundo ng musika.

Pasko. Dalawang kanta nilang orihinal ang pumaimbulog sa sari-saring music platforms. At inaalagaan pa sila ng record companies.

Ang mga miyembro:  Patrick Marcelino (vocals), Atty. Rey Bergado (keys/vocals), Joseph Cruz (keys), Rene Tecson (guitar), Jojo Esparrago (drums) and Alvin Herbon (bass), ay walang itulak-kabigin. 

Sayaw sa Ilalim ng Buwan is hitting it off well sa charts lika in Vibe. Na sinundan ng Saksi ang Mga GalaGalawI Will Wait for You in the Rain, at ang mga Pamaskong Pasko Sa Ating Puso at Pasko’y Muling Darating to name a few.

Kahit mga banyagang paboritong puntahan ang Hard Rock ay aliw na aliw sa performance ng banda. They keep coming back!

No more at his wits end. ‘Di naman pormula ang hinanap ni Atty. Rey sa grup’ng tinantusan na.

They are here to stay. With Patrick ’til the end. As the band continues to play! 

Ang mga kanta na ang tropeo nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …