Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED R
ni Rommel Gonzales

BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. journey ni Rave Victoria nitong Sabado, January 3, 2026.

Agad na naglabas ng pahayag ng pasasalamat si Rave sa mga tagahanga at supporters niya.

Lahad ni Rave, “Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, ‘yung family ko, ‘yung friends ko at ‘yung mga supporter ko na rin sa loob ng Bahay Ni Kuya.

“Maraming salamat sa inyo dahil sinuportahan niyo ako sa journey na ito at sa lowest ko nandiyan kayo, maraming-maraming salamat. Sana tuloy-tuloy niyo lang ako suportahan.”

Ayon kay Rave, na talent ng All Access to Artists o Triple A management nina Jacqui Cara (Head of Operations and Sales), Michael Tuviera (CEO and President), at Jojo Oconer (COO and Chief Financial Officer), masaya ang naging karanasan niya sa loob ng PBB House.

At gusto ko rin magpasalamat kay Lord dahil healthy ako, ‘yung buong journey ko naging masaya at maganda ‘yung kalusugan ko ngayon. Thank you.”

Kasabay ni Rave na na-evict sa Bahay ni Kuya ang Sparkle actor na si Anton Vinzon.

Napapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo 10:05 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …