Tuesday , December 23 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Odette Khan Bar Boys 2, After School

Odette Khan ‘di nagpatinag sa muling pagganap bilang Justice Hernandez

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KUNG may isang pelikulang aabangan ngayong Pasko na kasali sa walong entry sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2025, ito na ‘yung sequel sa istorya ng mga tagapagtanggol ng katotohanan na mga Bar Boys.

Na ang kwento noong 2017, ay mas paiigtingin ng bagong tinahak na pagdidirehe ni Kip Oebanda at binuo mula sa mga utak nina Carlo Catu at Zig Dulay.

Sa dating istorya, hinangaan ang karakter ng premyadong character actress na si Ms. Odette Khanbilang si Justice Hernandez. 

Na naging lubhang emosyonal nang dumalo sa presscon ng pelikula at muling makita ang mga kasama.

Hindi ako dapat iiyak. Kung alam niyo lang ang aming mga pinagdaanan…Marami na naman ang matututo sa pelikula at malalaman niyo kung bakit, when you watch the film.”

Inalala nga nito ang minsan niyang pakikipagtrabaho sa yumaong Miriam Defensor Santiago. Na kung tutuusin matapang na siyang babae eh, mas daw ang tapang nito at lubhang istrikta.

Nang mapanood sa unang pelikula si Ms. Odette, marami ang pinahanga nito sa pagsakay sa karakter niya at pagbitaw sa bawat linya niya sa pelikula. Na talagang natandaan ng tao sa kanya.

This time, matapos ang isang dekada ng kanyang mga estudyante, may kakaiba na namang napaglaruan ang mga nagtulong-tulong na buuin ang konsepto ng buhay ng Bar Boys: After School.

Na muling gagampanan nina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano.

Kasama rin sa cast sina Glaiza de Castro, Will Ashley, Therese Malvar, Royce Cabrera, Sassa Gurl, Benedix Ramos, at Bryce Eusebio.

Ten years after they graduated. Panibagong mga buhay. Na tumahak sa iba’t ibang direksiyon.

Ano na naman kayang matitinding salita ang ibabahagi ni Justice Hernandez. Na mula’t sapul ay hindi tumatanggap ng opinyon ng kahit na sino. 

Para pahinugin ang mga isip sa buhay ng umaasam at nagtatangkang maging abogado at tagapagtanggol ng katotohanan, siguradong may masisilip na kokonek sa buhay natin sa kasalukuyan sa mga birit sa Bar Boys: After School. 

Ang pelikula ay comedy-drama na may PG rating mula sa MTRCB na nagpapahintulot sa mga may edad 13 pababa na makanood basta kasama ang magulang o nakatatanda.

Mas maganda yatang unahin itong panoorin. This Christmas Season, bring the family to the cinemas. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa …

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …