Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Discaya Curlee Discaya

Stronghold ng Discaya, sabit sa insurance controversy sa LTFRB

120925 Hataw Frontpage

PINAIIMBESTIGAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkakasama ng Stronghold insurance consortium sa Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) para sa mga public utility vehicles (PUVs) kahit hindi ito nakapagsumite ng mga required documents sa itinakdang deadline ng ahensiya.

Batay sa ipinalabas na Circular Letter ng Insurance  Commission na pirmado ni Commissioner Reynaldo Regalado, ang mga aplikante para sa Management Company ng insurance consortium ay dapat makapagsumite ng lahat ng mga kailangang  dokumento 60 araw bago pa mag-expire o mawalang bisa ang 5 years accreditation nito.

Ayon sa LTRB insider, pumatak sa 30 Nobyembre  2025 ang last day ng submission ng lahat ng requirements ngunit ang Stronghold consortium ay nabigyan pa rin ng accreditation kahit 1 Disyembre 2025 na ito nakapagsumite ng kanilang mga dokumento.

Minsan nang naging kontrobersiyal ang Stronghold insurance matapos matuklasan na ito ang insurance company na kinuha ng mag-asawang Sara at Curly Discaya sa kanilang mga nakuhang flood control project sa DPWH.

Batay pa sa Circular, ang “Management Company” ay kailangan kinapapalooban ng 13 magkakasamang insurance companies. Kasama ng Stronghold ang Milestone, Bethel,  Sterling, Mercantile,  FPG, Manila Bankers, Corporate Guarantee, Asia United, Climbs, Oona, Malayan, at Perla.

Pinagbabawalan din ng Circular na magparehistro sa dalawang Management Company ang alinmang insurance entity upang maiwasan ang pagkakagulo sa sistema.

Ang Asia United Insurance, Inc., na unang nakapaloob sa SCCI Management & Insurance Agency Corporation ay nag-last minute switch o lumipat sa Stronghold consortium na isang paglabag sa IC Circular.

Noong 24 Nobyembre 2025 nang mag-withdraw ng membership ang Asia United sa SCCI, o anim na araw bago ang itinakdang 30 Nobyembre 2025 deadline para sa submission.

Nanagawan ang mga opisyal ng LTFRB sa IC na imbestigahan ang kontrobersiyang ito dahil malalagay sa panganib ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan kung hindi malinaw ang sistema ng insurance na titiyak sa kanilang kaligtasan. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …