Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, responsableng pamumuno, at mabuting pamamahala, kinilala ang Bulacan bilang SubayBAYANI Award Exemplar for 2025 sa ginanap na prestihiyosong pagpaparangal kamakailan sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila.

Kinikilala ng SubayBAYANI Awards ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang naghahatid ng konkretong resulta at magandang epekto sa mga komunidad ng mga Pilipino, kundi nagpapakita rin ng kahusayan ng mga lokal na proyekto, pagmomonitor, at participatory governance. Napabilang ang Bulacan sa mga huwarang lalawigan kasama ang iba pang lalawigan sa Rehiyon 3 kabilang na ang Aurora at Bataan.

Inihayag ni Gob. Daniel Fernando ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa natanggap na pagkilala kung saan idiniin niya na ang parangal ay resulta ng sama-samang dedikasyon ng  frontliners, mga kawani ng pamahalaan, mga lokal na organisasyon, at ng buong komunidad.

Binigyang-diin niya ang paniniwalang ang patuloy na pag-unlad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“Sa ating mga kababayang Bulakenyo, para sa inyo ang parangal na ito. Kayo ang inspirasyon ng bawat desisyon at bawat proyektong isinusulong namin,” ani Fernando.

Higit pang nabigyang kahalagahan ang parangal matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong“Marcos, Jr. ang kanyang keynote address kung saan binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng pagkakaroon ng transparency sa paglilingkod bayan, kung saan pinaalalahanan niya ang mga opisyal na ang mamamayang Pilipino ay mapanuri at may karapatang managot ang kanilang mga pinuno.

“Inaasahan natin na kapag bukas tayo sa publiko, mas titibay ang kanilang tiwala sa gobyerno, mas lalawak pa ang kanilang pakikibahagi sa ating pagbabago,” anang Presidente.

Ang SubayBAYANI Awards na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay patuloy na nagsisilbing mahalagang hakbang upang palakasin ang tapat at responsableng pamamahala sa buong bansa. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …

Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio …